Posted by: lmfilio | February 23, 2009

Ang Sumasampalataya – Part 1

Introduksyon

Dahil sa pagnanais ng inyong lingkod na maipaglingkod ang mga aral at katuruan na akin mismong natutunan, narito ang kopya ng aking mensahe nuong nakaraang linggo ng gabi patungkol sa “Mga Artikulo ng Pananampalataya” na aking simulan sa “Ang Sumasampalataya”.

Ang Sumasampalataya ay paulit-ulit na binibigkas linggo-lingo sa ating kapilya tuwing pananambahan sa umaga at sa mga katulad kong laki sa kapilya, sigurado ako na kabisado natin ang pagbigkas ng mga salitang ito.

Ngunit kahit ganun pa man, ang pagbigkas ay nararapat lamang sabayan ng pangunawa. Napansin ng inyong lingkod na sa paraan na ating pagbigkas ng “Ang Sumasampalataya”, sa pagbibiyak ng mga salita, maaring marami ang naliligaw o minsan hindi naiintindihan ang bawa’t salitang sinasabi. Nakakaligtaan ng marami na lagyan ng “pause” at ng diin ang mga salita o pangungusap na dapat mayroon nito. Dahil dito, minabuti ng inyong lingkod na biyakin “Ang Sumasampalataya” sa paraang makakatulong sa ating pagunawa sa ibig sabihin nito. sa pagasang sa susunod na bibigkasin ito ng sinoman sa ating kapilya ay bibigkasin ito ng mayroong pang-unawa.

Istorya ng Ang Sumasampalataya sa Pilipinas

Dumating sa Pilipinas ang unang bersyon ng “Ang Sumasampalataya” sa wikang Tagalog sa pamamagitan ng librong “Doctriana Christiana” na dala ng mga Domikong Pari nuong 1593. Ito ay mula sa orihinal ng wikang Espanyol na isinalin ng mga pari sa wikang Baybayin o Tagalog. (1) Ito ang kauna-unahang librong nilimbang sa Pilipinas na nagtataglay ng mga unang Kristiyanong katuruang itinuro at niyakap ng mga Pilipino mula sa mga dayuhang mananakop.  Dahil sa ito’y Romano Katoliko, ang mga katuruan ay hindi lamang ng tataglay ng “Ang Sumasampalataya”, “Ama Namin”, at “Ang Sampung Utos”, gayundin ang iba’t-ibang katuruan patungkol kay Maria at mga sakramentong katoliko.

Nais ko lamang bigyang pansin sa pamamagitan ng pagkukumpara na ang kopya ng Biblia sa Tagalog ay dumating sa Pilipinas, dala ng mga Amerikanong Ebanghelista, nuong taong 1905. Ibig sabihin, ang Doctriana Christiana lamang, sa kabila ng pagiging maikli nito, ang tinanggap na buong katuruan ng Kristiyano at hindi ang kabuoan ng Biblia. Kaya nga, ang pagdating  ng Biblia sa Pilipinas ang isa pinakamalaking pagpapalang dumating sa ating bansa sapagkat binigyan daan nito malayang pag-aral ng sinomang nagnanais gawin ito.

 Ang Sumasampalataya mula sa Katoliko

 Ito ang kopya ng “Ang Sumasampalataya” ayon sa “Doctrina Christiana” ng mga Katoliko. Basahin mo ito ng malakas at bigyang pansin ang pagkakaiba at pagkakatulad:

Sumasangpalataya ako sa Dios Ama, makagagawa sa lahat, mangagawa nang langit at nang lupa. Sumasangpalataya ako naman kay HesuKristo isang anak nang Dios, Panginoon natin lahat. Nagkatawan tao siya, salang nang Espiritusanto. Ipinanganak ni Sãnta Maria Birheng totoo, nasaktãotos ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, ibinaon, nanaog sa mga impiyerno, nang may ikatlong araw nabuhay na naguli, naakyat sa langit, naluluklok sa kanan nang Dios Ama makagagawa sa lahat, sa kaparito huhukom sa nabubuhay, at sa nangamatay na tao.

Sumasangpalataya ako naman sa Dios Espiritusanto. At may santa iglesia katolika, at may kasamahan ang mga santos. At may ikawawala nang kasalanan. At mabubuhay na maguli ang na namatay na tao. At may buhay na di mawala mag parating saan. Siya nawa.

Ito ang mga bagay na aking napansin:

  1. Matigas ang pagkaka-Tagalog: Resulta ito ng mahigpit na paglalapat ng bawa’t salitang Espanyol sa Tagalog. Ito din ang pamamaraang ginamit upang isalin sa Tagalog ang buong Biblia mula sa Ingles.
  2. Ang unang salita, “Sumasangpalataya”: nilapat sa modernong tagalog na “Sumasampalataya”. Hiwalay ko ipapaliwanag ang kahalagan nito mamya.
  3. “Makagagawa” at “mangagawa”: ang paggamit iisang salitang-ugat na “gawa” ay pagpapakita na magkaugnay ang dalawa.
  4. “Sumasangpalataya ako naman”: nagpapakita ng intensyonal na dibisyon ng pangungusap upang bigyang linaw sa isipan ng mambabasa na ang mga sumusunod na salita ay patungkol sa Anak, HesuKristo.
  5. Nagkatawang tao siya: wala ito sa modernong bersyon ngunit binigyang linaw nito na iisang diwa ang mga salitang “salang sa Espiritusanto at ipinanganak ng Birheng Maria.”
  6. “Sumasangpalataya ako sa Dios Espiritusanto”: ang paglalagay ng “Dios” bago ang salitang “Espiritusanto” ay nagbibigay diin sa intensyon ng “Ang Sumasampalataya”. Ito ang pagkilala sa Dios ng tatlong persona: Ama, Anak at Espiritu.
  7. “Santa Iglesia Katolika”: ang salitang katolika ay nangangahulugang “iglesia sa kalaganapan” o “church universal”. Ang Romano Katolika ay iglesia sa pamumuno ng Papa sa Roma ngunit hindi sa lahat ng iglesia sa kalaganapan.

Ang Sumasampalataya mula sa Protestante

Ikumpara naman natin ang ating bersyon ng “Ang Sumasampalataya”. Bigkasin ito nang malakas o kung kabisado naman ito, bigkasin mula sa memorya:

Sumasampalataya ako sa Dios, Amang makapangayarihan sa lahat, lumalang ng langit at lupa at kay HesuKristo na Anak na bugtong niya, Panginoon natin, sa hiwaga ng Espiritu Santo, Ipinanganak ng Birheng Maria, nagdamdam ng hirap sa utos ni Poncio Pilato, Ipinako sa krus, namatay at inilibing, sa ikatlong araw nabuhay sa mga patay umakyat sa langit at naupo sa kanan ng Dios Amang makapangyarihan sa lahat, Duon magmumula at paririto, upang humukom sa mga buhay at mga patay

Sinasampalatayanan ko ang Espiritu Santo, ang banal na iglesiang laganap, ang pagkakaisa ng mga banal, ang kapatawaran sa mga kasalanan
Ang kabuhayan sa katawan at buhay na walang hanggan. Amen

Kapansin-pansin na mas maikli ito kumpara sa bersyon ng mga Romano Katoliko. Bukod dito, mas malambot ang pagkaka-tagalog nito sapagkat may mga salitang pinalitan upang bigyang linaw ang ibig sabihin nito. Ngunit katulad nga po ang nabanggit ng inyong lingkod, ang ganitong pagsasalangsang ng mga salita ay karaniwang hindi nakakatulong sa pangunawa sapagkat hindi sanay ang mga Pilipino sa pagbabasa ng mga mahahabang pangungusap. At dahil hindi naturan sa wikang Tagalog na bigyaang-diin pinanguusapan sa isang pangungusap, marami sa atin ang naliligaw sa pagtukoy nito. Kasama pa sa nagpahirap dito ang katotohanan na “Ang Sumasampalataya” ay buod o “short-hand” articles of faith. At dahil mga pinaikling mga salita siya, inaasahan ng mga taong nagpaiksi nito na nauunawaan natin ang mahabang bersyon nito (galing mismo sa Biblia). Ngunit dahil walang Biblia nuon panahon na dumating “Ang Sumasampalataya”, marami ang nag-aakala na ito na mismo ang mahabang bersyon (kahit pa napakaikli nito)

Dahil dito, kakailangin natin isang hati-hatiin sa dibisyon na nagpapakita kung ano-ano ang makakasama at ano-ano ang makakahiwalay. Ngunit bago ito, isa munang pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng salitang “Sumasampalataya”.

Ibig sabihin ng salitang Sumasampalataya

Kung susundin ang libro ng Doctriana Christiana, ibig sabihin, ang wikang tagalog ay naroroon na bago pa dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. At dahil ito ang wikang ginamit ng mga pari upang isalin ang mga doktrina mula sa Espanyol, maaring ito ang pinakaginagamit na wika sa Pilipinas kumpara sa ibang dialekto.

Ang pagsalin sa wikang Tagalog  mula sa Espanyol ay ginawa ng mga paring Espanyol. Ito ang dahilan kung bakit matigas ang pagkaka-tagalog nito. Sinunod nila marahil ang diwa ng Espanyol (pagkakasunod-sunod ng salita, parirala at etc) ngunit pinalitan ang salita sa tagalog. Ibig sabihin, ang mga paring Espanyol ang pumili ng salitang katumbas mula sa Espanyol patungo sa tagalog.

Isa pinakaimportenteng salita sa ating pinag-aaralan ay ang salitang “Sumasangpalataya”. Ang katumbas na Espanyol na salita nito ay “Creo” o “Credo” sa Latin. Nais ko lang sabihin muna na ang pagsasalin ay diretsong galing sa Espanyol at hindi sa Ingles. Sapagkat kung tutuusin, ang salin ng “Credo” sa ingles ay “I believe”. Kung ito ang ating susundin, alam natin na ang pinakatugmang salin nito sa Tagalog ay “Naniniwala ako” na galing sa salitang ugat na “tiwala”. Ngunit hindi ito ang ginamit ng mga paring Espanyol sapagkat ang “Credo” ay mas malalim pa ang ibig sabihin kumpara sa paniniwala.

Upang malaman ang ibig sabihin ng mga salita, kailangan po nating malaman ang salitang-ugat ng ” Sumasampalataya”. Naghanap po ako sa Diksyonaryo Pilipino, wala ito. Marahil dahil, luma na ang salitang ito ay maaring sa pagdaan ng panahon, inakala ng nakarami na nauunawaan nila ang salitang ito. Sapagkat kung tutuusin, maliban sa “Sumasampalataya”, ginagamit din natin ang salitang “Mananampalataya” upang tukuyin ang taong “Sumasampalataya” at “Pananampalataya” upang tukuying ang bagay na pinanampalatayaan ng isang mananamapalataya. Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Kung pagsasama-samahin ang salitang: “Sumasampalataya”, “Mananampalataya” at “Pananampalataya”, may salitang-ugat na nanatili sa tatlong ito: ang salitang “Palataya”. Kumpara natin ito sa salitang “Sumasalangit” hango sa “Ama Namin” makikita natin na ang salitang “sumasa” ay isang pantulong o “prefix” sa salitang langit. Ibig sabihin, ang salitang “sumasam” ay isang pantulong o “prefix” din sa salitang “Palataya”.

Ngunit ano ang ibig sabihin ng “Palataya”?

We can only make an educated guess at this point. Alam natin ang salitang “Palataya” does not make sense unless we assume that this is a compound word or a combination of two simple words: “pala” at “taya”. Kung i-assume natin ito, alam natin ang ibig sabihin ng “taya”. Ginamit natin ang salitang ito upang ipahayag ang ating pagmamahal sa bayan: “Ita[taya] ko ang buhay ko para ating bayan”. Ang pagtataya ng buhay o pagbubuwis ng buhay ay may kalakip na sakripisyo at pag-aalay ng buhay alang-alang sa mga bagay na pinaniniwalaan. “Allegiance” ang salitang katumbas nito sa ingles at ito ang ibig sabihin ng “Credo” sa latin.

Ano naman ang ibig sabihin ng “Pala”?

Again, we can only guess. In some sense, it can mean sa Tagalog na “lagi-lagi” or “always” sa ingles.

At kung pagsasamahin natin ang dalawang salita, ang ibig sabihin ng “Sumasampalataya” at “Palagiang itataya ang aking sarili sa”.

 

Itutuloy….

Posted by: jaypeemanuel | February 4, 2009

POEM

I opened my eyes not to look but to find…
Sticked out my tongue not to eat but to taste…
Took a moment not to hear but to listen…
And threw my palms not to feel but to touch…

All we are, misdirected and misled,
by our own ignorance of our own direction,
we tend to find a place in a nowhere’s land
and still find ourselves clouded in confusion.

We’ve fought ways to impress our world
yet inside is an unforgiven self
Surely there was excitement in recognized moments
but joy is lost, and a facade is all that’s left

Tomorrow may come, and so our last breath
all of us will be weighed in death
what have we’ve done, what we’ve left?
Have the world seen in us the life, full meant?

Posted by: lmfilio | January 26, 2009

Pamamaraan sa Pag-aaral ng Bibliya

Isinulat ang ating mga “Bible Study Lessons” ng may sinusundang pamamaraan o metolohiya sa pag-aaral ng Biblia. Hermanyotiko ang tawag sa metolohiyang ito. At sa pamamagitan ng hermanyotiko, natutulungan ang bawa’t mag-aaral ng biblia na suruin ang mga detalye ng pinag-aaralang texto at bigyan ito ng kahulugan ayon sa kontexto nito upang mai-apply ngayon sa ating buhay.

Tinatawag ang prosesong ito bilang: Obserbasyon, Interpretasyon, Aplikasyon o “OIA”. Ayon sa makabagong iskolar na pag-aaral ito ang mas pinakamabisang pamamaraan upang maiwasan ang karaniwang pagkakamali tuwing pinag-aaralan ang Biblia:

Una, naiiwasan ang dali-dali pagbibigay ng kahulugan sa isang texto ng wala sa kontexto sapagkat unang inonobserbahan muna texto bago sinusuri ang ibig sabihin nito. (Interpretasyon) Para sa ating pag-aaral, minabuti ng inyong lingkod na bigyang pansin ang mas kakaunti bilang ng mga talata ngunit sa mas mamalaking umpok kaysa maraming bilang ng mga talata ngunit mas maliliit na tumpok. Sa pamamagitan nito, mas maoobserbahan ng bawa’t mag-aaral ang bawa’t talata sa kanyang kabuoan at maiiwan ang pagbibigay kahulugan ng wala sa kontexto.

Dahil dito, tuwing may mga talatang pag-aaralan ito man’y kwento sa Lumang Tipan, talinghaga sa Ebanghelyo o sulat ni Pablo sa mga Iglesia, sisikapin ng bawa’t mag-aaral at magin ng tagapagturo na ma-eksamen ang mga talaga sa kanyang kabuoan. At upang matulungan ang bawat’t isang gawin ito, bibigyan kayo ng inyong lingkod ng pamamaraan upang gawin ito. Depende sa mga talatang pinag-aaralan, ituturo sa inyo kung paano susurin at hihimayin ang mga salita at pangungusap ng bawat talata.

Pangalawa, naiiwasan din nito ang dali-dali pagbibigay aplikasyon sa ating mga buhay ng hindi talaga nababagay sa kontexto o ibig sabihin ng talata ayon sa kanyang pinanggalingan o “background”. Nangyayari ito sapagkat sapagkat kung tutuusion sapagkat hindi naman tayo iskolar o mababa lamang ating mga pinag-aralan. Gayun din man, naiisip ng karamihan na pinaka-importente sa Bible study group ang mapag-usapan natin ang mga buhay kasama ang mga kapatid sa kapilya. Dahil po dyan, naisip ko pong sagutin ang mga ito:

Alam ng inyong lingkod ang marami po sa atin ang hindi nakapag-aral sa matataas na paaralan at alam nyo po mas mabuti pa nga po ito. Marami sa mga tatalinong tao na nakatapos sa mayayaman, sikat ang mga paaralan ngunit itunuturing na kamang-mangan ang Salita ng ating Panginoon. Kung tutuusin, mas nakabubuti pa nga na marami sa atin ang hindi nakapag-aral sapagkat naka-tutulong ito upang harapin ang pag-aaral ng Bibliya ng may kababaang-loob at kagustuhang sundan ang mga sinabi nito. Kalimitan ang mas matalino, mas matigas ang ulo. Ayaw sumunod. Tinutuligsa ng Dios ang mayabang at binibiyayaan ang mapakumbaba.

Ngunit hindi dahil baba ang ating pinag-aralan, nangangahulugan din na tatanggapin ng Dios aralin natin ang kanyang salita ng ayon lamang sa maabot na ating pinag-aralan. Kung tutuusin ang gusto ng Dios sa atin na maging mangmang sa gawa ng sanlibutan ngunit matalino sa mga hakbang ng kanyang mga Salita. Nais na Dios na mahalin natin siya, hindi lamang ng ating mga puso at lakas, kundi pati na rin ng ating buong isip. Ang pag-aaral ng Salita ng Dios na gumamit ng kanyang buo isip ay katumbas din ng pagmamahal sa kanya.

Ganyun din man, bagama’t mahalaga ang mapag-usapan natin ang ating mga buhay tuwing “Bible Study” ngunit mas epektibong magagawa ito kung ang Salita ng Dios ang nabibigay liwanag dito. Kalimitan, mas mamabutihin natin pag-usapan ang ating mga sarili sapagkat nakikita nating mas kapakikinabang ito. Bakit nga ba pagkakaabalahan pa atin mga detalyeng ibinigay ng bawa’t talata sa Bibliya sa gayung hindi naman tayo ang konsern dito.

Ito marahil ang isa sa pinaka malaking balakid ng inyong lingkod tuwing pinag-aaralan ko nuon ang Bibliya. Pakiramdam ko hindi ko naiintindihan sa sobrang dami ng sinabi at impormasyon na inibigay na nakalipas ng panahon, sobrang lumang panahon at hindi naman nagyayari ngayon. Na-realize na iyong lingkod sa paglipas ng mga panahon na sinadya ito ng pagtadhana. Mayaman sa karunungan at pananampalataya sa Salita ng Dios ngunit kakailanganin mong sadyain itong tanggapin sa kanyang kaankinan upang matutunang mapakumbabang pasukin ang buhay ng mga tao ng pananampalataya ng nakaraan. Ang pangalan, lugar at pangyayari nuon ang nagsisilbing tulay ngayon upang mabatid natin na ang Dios, hindi nagbabago, patuloy siya sa kanyang pangako, nanatili siyang nagpapakita sa sinomang sinasaliksik ang mga Salita nya.

Panalangin na iyong lingkod na maging kaayaaya ang ating pag-aral ng mga Salita Niya. Nawa, sakupin tayo ng kanyang pag-iisip, ng kanyang pagmamahal, at ng kanyang pagliligtas.

Posted by: lmfilio | January 23, 2009

Hesus, ang tunay na larawan ng Dios

Nuong nakaraang linggo, ipinagdiwang ng mga Katoliko ang pista ng Santo Nino. Ang rebulto ng batang Hesus, ang popular na anito mula pa sa Cebu, ito ang ibinigay na regalo ni Magelan nuong taong 1521 kay Rajah Humabon at sa kanyang asaawa nuong bininyagan sila sa pananampalatayang Katoliko. At mula nuon, marami na ang naging deboto sa rebultong ito kaya’t tuwing ikatatlong linggo ng buwan ng Enero hanggang ngayon, ipinagdiriwang ang kapistahan ng Santo Nino.

Sa kabilang dako naman, ipinagdiriwang ng simbahan ng Quiapo ang pista ng Itim na Nazareno. Ginaganap ito tuwing ika-9 ng Enero, taon-taon. Ginagawa ito upang mabigyan ng pagkakataon ang libo-libong deboto na mahipo ang imahen, na ayon sa paniniwala ng karamihan, nagbibigay ng himala sa bawa’t isa na nanampalataya. At kahit siksikan, mainit, magulo at minsan delikado, ibinubuhis ng bawa’t isang deboto ang sariling nilang buhay nahawakan lamang ang rebulto, na para sa kanila, ito na ang naging panata na ng kanilang buhay.

Hindi mabura sa isipan ng inyong lingkod ang larawan ng bawa’t isang taong pumupunta sa mga kapistahang katulad nito lalo na kapag napapanood ko ito sa TV o nababasa sa dyaryo. Katulad nung nakaraang dalawang linggo, katatapos lamang ng pista ng Itim na Nazareno, inilabas sa frontpage ng Inquirer ang kuha mula sa labas ng Quiapo kung saan naroroon ang rebulto ng Nazareno at sa paligid nito. nasisiksikan ang makapal na taong nagpupumilit hipuin ito. At ang tagline ng dyaryo, ganito: “The Faith of the Filipino”. Ang tanong ko sa aking sarili: ito nga ba ang ibig sabihin ng pananamapalataya para sa atin?

Nakakalungkot isip na kahit lumipas na ang kay raming taong mula ng sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas, mukhang hindi pa rin nagbabago ang patingin ng nakararaming mga Pilipino sa uri ng pananampalataya hinihingi sa atin ng Dios. Kung iisipin, ang Santo Nino at ang Itim na Nazareno pa rin ang pinakapopular na larawan ang Dios dito sa Pilipinas. Ang Santo Nino ang larawan ng isang batang Hesus na pinanganak upang mamatay, ipinanganak upang bigyang kapatawaran ang ating mga kasalanan. Ang Itim na Nazareno naman ang larawan ng isang nadudusang Hesus na pinasan sa kanyang balikat ang kasalanan ng salinbutan, at katulad din ng dahilan kung bakit ipinanganak ang sa Santo Nino, naghihirap ang Nazareno upang pagpabayaran ang ating kasalanan. Magkaibang larawan ngunit pareho tinutukoy: sa isang Dios na kagagamit-gamit, kinikilalang Dios dala ng pangangailangan.

Marahil marami sa atin ang iniisip: “Kuya Lance, wag mo na kaming sabihan tungkol sa bagay na yan sapagkat mula ng tumalikod ang aming pamilya sa pagiging Katoliko, iniwan na namin ang mga bagay na yan. Ngunit kahit ganun pa man, alam nyo po, kung tutuusin marami pa rin ang hindi nalalayo sa ganitong klaseng kaisipan. Wala naman po tayong rebulto sa ating mga tahanan, hindi man tayo dumadalo sa mga pista dito sa Baclaran pero minsan naiisip ng inyong lingkod na ito rin ang larawan ng Dios na sumasakop sa karamihan. Marami sa atin ang nag-aakala at nabuhay sa pagaakala na si Hesus, ang Dios na sinasamba dito sa kapilya, isang rin Dios na nakagamit-gamit, isang Dios na kinilala dala sa pangangailangan. Maririnig natin ang iba na nagsasabi:

“Alam ko na marami akong nagagawang kasalanan kaya nga ang paglilingkod, patuloy kong sinisipagan.”

“Panata na ng pamilya namin ang gawin ang mga ito dyan sa kapilya, kaya nga hanggang ngayon ginagawa pa rin namin at hindi iniiwanan.”

“Magbabago ako kapag nagawa ko ng iwanan ang kasalanan kaya nga nagsisipag ako sa paglilingkod para kahit paano mabawas-bawasan.”

Mga magulang ko’t kapatid, ito po ba ang larawan ni Hesus sa inyong isipan? Isang Dios na kagamit-gamit, isang Dios na kinikilala lamang dala ng pangangailangan?

Ngayon umaga, nais ko pong ipakilala sa atin ang isang larawan ni Hesus na guma-gamit at hindi kagamit-gamit, isang Hesus na kumilala at hindi lamang dala ng pangangailangan, isang Hesus na pumarito hindi lang upang mamatay para ating mga kasalanan bagkus dumating upang ipakita ang buhay na nagtatagumpay laban sa kasalanan, isang Hesus na hindi lamang namatay bagkus nagkaroon muli ng buhay! (Tayo po ay manalangin)

Hesus, ikaw ang susundan, tutularan at sasandalan, ang ilaw at liwanag ng aming buhay. Ituro mo po sa amin ang daan ng buhay, ang tulay sa kamatayan at muling-pagkabuhay.

Marami ang nakakakila sa istorya ng kapanganakan ni Hesus dahil ipinagdiriwang na ito tuwing Pasko. Ito rin ang dahilan kung bakit sikat na sikat sa mga Katoliko ang Santo Nino sapagkat ito ang larawan ni Hesus nung ipinanganak siya sa sabsaban. Ngunit kung tutuusin, kung babasahin po natin ang ebanghelyo ni Mateo, Marcos, Lucas at Juan sa kanyang kabuuan, malalaman natin na hindi nanatiling bata si Hesus. Kung inyong papansinin, pagkatapos na ilang unang kabanata sa Mateo at Lucas, isang binata-lalaking Hesus ang ating makikilala. Kumpara pa nga sa Markos at Juan, sa simula pa lang malaki na si Hesus at pinasimulan niya ang kanyang publikong pagministero.

Ngayon, marahil marami sa atin ang nakaaalam ng istorya ni Hesus nuong nagmiministeryo siya. Marahil maramin sa atin ang nakaaalam na nagturo siya, nangaral, nagpagaling ng may sakit at naghimala. Ngunit kung babalikan po natin ulit ang pagkakasunod-sunod ng istorya, may isang importanteng bagay siyang ginagawa bago pa man siya nagpa-simula ng ministero.

Ano ito?

Malimit pong makaligtaan na ang sentro ng istorya ng ebanghelyo, dumaloy mula ng tawagin ni Hesus ng kanyang mga taga-sunod. At kung inyong papansinin: ito ang humuhugis at tumulak sa buong istorya hanggang makarating siya ng Herusalem. Dun matatangpuan natin na ang Dios sa katauhan ni Hesus, nagdi-disipolo.

Ang pagtawag ni Hesus ng mga taga-sunod ang larawan ng Dios na ipinapakita ni Mateo, Lucas, Marcos at Juan. Ang larawang ito ang tinatawag na sa titulong “Rabbi” o sa tagalog, “Guro”. Medyo di po sakto ang salitang “Guro” kapag isinasalin sa ating modernong pakakaintindi sa salita. Kapag naririnig po ang salitang “Guro”, para sa atin, sila yung mga tagapagturo natin sa ekswelahan o mga sunday school teachers natin dito sa kapilya. Oo, ang “Rabbi” nagtuturo pero hindi po ito ayon sa modernong kaisipan nagtagapaturo. Meron isang malaking pagkakaiba at ito ang pagkakaroon ng mga taga-sunod.

Nakapanuod na po ba kayo ng mga Martial Arts movies? Di po ba kalimitan, may isang lugar kung saan duon nakaratira ang isang Martial Arts Master at sa kanyang bakuran naroon nagsasanay ang kanyang mga taga-sunod upang maging kasing-galing ng kanilang tagapagturo, ang kanilang “Master”. Madalas ang lugar pa ngang ito tinatawag sa pangalan ng tagapagturo nito, House of the Druken Master o House of the Cloak Dagger at kung sinoman ang nagnanais na matuto ng martial arts, kinakailangan puntahan niya ang bahay na ito ng isang master upang duon manirahan, samahan ang kanyang tagapagturo at balang-araw maging katulad na kanyang Master.

Malapit po ang larawang ito sa Hesus na ipinapakita sa atin ni Mateo, Lucas, Marcos at Juan. Para sa kanila, si Hesus ang kanilang tagapagturo, ang kanilang Master. Ngapala, hindi po Martial Arts ang itinuro ni Hesus. Sa isang Hudyong komunidad, hindi po pagpapagaling sa larangan napapakipaglaban ang binibigyan ng pansin at kinilala bilang isang dakilang gawin. Ang Rabbi po ang mga Hudyo ang tagapagturo sa Israel kung paano mabuhay ng naaayon kay Yahweh na kanilang Dios. Kinikilala po itong isang dakilang gawin at ministero kaya’t kung sinoman ang nag-nanais na matutong mabuhay ng naayon kay Yahweh, kailangan po nilang samahan at sundan ang kanilang Rabbi. Duon matututo silang maging katulad na kanilang taga-pagturo at balang-araw magiging katulad din sila ng kanilang Master, ng kanilang Rabbi.

Marami ang nahihirapang tanggapin ang ganitong larawan ng Dios na ipinakita ni Hesus. Sapagkat marami sa atin ang nasanay sa larawan ng Dios na kung hindi bata, eh isang kawawa, nahirap ma-imagine ang isang Dios na laging mong kasama at nagsasanay sa iyo upang maging katulad niya. Marami ang nahihirapan itong tanggapin sapagkat kung si Hesus ang Rabbi, ikaw ang taga-sunod, kung siya ang taga-pagturo, ikaw mag-aaral, kung siya ang may kontrol sa buhay mo, hindi ikaw ang mga kontrol nito. Ayaw po natin ng isang Dios na nagsasalita at tumatawag sa iyo na sundin mo ang bagay na ginagawa niya. Mas gugustuhin ng karamihan ang isang sanggol na hindi nagsasalita kundi tayo ang nag-aalaga.

Natagalan po ang inyong lingkod bago ko tuluyang naiintidihan ito. Nung mabasa ko ang mga salita ni Hesus, “Sundan mo ako”, nagdalawang-isip po ako. Kung tutuusin hindi ko po inakala na aabot po ako sa punto na pati pag-pastor sabihin niya sa akin, “Sundan mo ako”. Ngunit naunawan na po ng inyong lingkod na si Hesus ang Rabbi at ako ang taga-sunod. Naintindihan ko po na hindi po niya ako tinatawag sa isang lugar kung saan siya mismo hindi pa nakapupunta. Sapagkat ang tawag ng paglilingkod ang tawag ng pagsunod. Tumugon po ang inyong lingkod sa tawag ng paglilingkod sapagkat ito ang tawag ng pagsunod.

Sa pagtatapos, nais ko pong basahin ang kwento nung tawagin ni Hesus ang kanyang mga alagad sa Mateo 4:18-21. At habang nagbabasa ako, nais ko pong hilingin na isipin natin naroroon tayo sa eksena. Imagine nagdun ka mismo sa lugar kung saan lumapit si Hesus upang tawagin sila Pedro upang maging taga-sunod niya. Isalarawan po natin sa ating mga isipan ang isang Dios na katulad ni Hesus, isang Rabbi na humihikayat sa sinomang nag-nanais na sundan niya na iwanan nila ang kanilang mga sarili, sundan siya at maging katulad niya.

Mga magula ko’t kapatid, tumatawag po si Hesus na ating Rabbi upang maging taga-sunod niya:

Habang naglalakad si Jesus sa tabi ng lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na sina Simon, tinatawag na Pedro at ang kanyang nakakabatang kapatid na si Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat mga mangingisda sila. At nagsalita si Hesus sa kanila: Sundan nyo ako at gagawin ko kayong katulad ko mamamalakaya ng mga tao. At dali-dali iniwan iniwan ang kanilang ginagawa at sinundan siya.

Posted by: jaypeemanuel | January 22, 2009

Nothingness

With nothing in mind, I opened my word processor thinking nothing. There’s actually nothing to write about, nothing that can actually make me process my thoughts. It’s only absolute nothingness, and that’s what I have tonight, and what I am, forever. And how pitiful am I, to be a senseless creation, created with nothing, living with nothing and looking for nothing. Though my desires seem to be good at all, the truth is, they are not, they are just all decoys, never really revealing what I am really made of. It’s just a façade, nothing truthful, because I am totally nothing. And how disgusting is my life, living and breathing a repeated routine of nothingness. Thinking that I am doing something but no, I am just a poor being trapped in the dimension of nothingness. I’ve never actually achieved anything. And if there is any, there has been anything, that I’ve thought that has made me land on the moon, then I’d been fooling myself to brag about it, cause there was nothing there. I’ve just made a few rings of waves but actually have done nothing. And those waves, would just surface in a few seconds but shoot, a few seconds more and they are gone, onto nothingness. And how miserable is my life, eating, drinking and getting merry. Everything seems to be fine but everything is empty as well. I took a cup of tea thinking that there was a great blend of liquid poured into it, but the cup was empty. It looked full in the outside, it even looked heavy, but there was none to drink, nothing to celebrate about. I might have showed a very peaceful, happy and contented life, but behind the curtains of the cocktails hides the devious creature, waiting for a fly to be trapped in my web and devour the smelly flesh of it. I am too evil, crooked and unloving, yet the world sees me as someone who is ought to be leading them, someone whose voice can lead the herd back into the fold, and someone whose strength can beat a thousand battalions of Phalanx. They all think that way, but they are all wrong. For I cannot even protect myself, I cannot even find my way back to my own place and I cannot even speak for what I want. I am too childish, and too callous. Yet, despite my evil and bloodlust desires, there was someone whose arms were open wide. One whose eyes for me looked beyond my misery and disgust, one whose soft voice was enough to overpower my thunderous voice. He is the one, whose face was ready to accept shame, so that I can finally come to his name. I don’t deserve your help, but you gave it. I can’t even look at you, but your eyes are fixed on me, how can I not see that? I don’t even deserve to live, but there you are, living a life for me. I don’t deserve you, I am nothing, and you are everything. But why this act? Well, I don’t care anymore, I cannot understand why, probably, I will never know why. But seeing you around me makes me more eager to trust and know, not why, but how. So, let me fall into again into nothingness and find my everything… you…

Older Posts »

Categories