Posted by: lmfilio | October 22, 2008

Ang Kwento ng Mabuting Muslim

Talinghaga ang aaralin po natin ngayong gabi.

Madalas kong mapakinggan mula sa mga modernong iskolar ng Bagong Tipan ang pinakamabisang paraan upang maunawaan ang isang talinghaga. Ayon sa kanila, magagawa ito sa pamamagitan ng una, pagtingin sa orihinal sa Hudyong contexto at pangalawa, paghahambing sa napapanahong contexto. Dahil dito, mapapansin natin na hindi pakikinig ang ang layunin ng talinghaga kundi pasunod. Sapagkat hindi maka-lupang istorya na may maka-langit na kahulugan ang talinghaga. Mga orinaryong istory ito na may di-pangkaniwang tawag sa pagsunod.

Upang maipaliwanag itong mabuti, nais kong ibigay sa inyo ang aking Tagalog version ng Parable of the Good Samaritan mula sa Luke 10:25-37. Sa pamamagitan nito, nais kong bigyang pansin at diin na pagsunod ang layunin ng isang talinghaga.

Lumapit ang isang miyembro sa kanyang pastor at nagtanong: “Pastor, paano ako magiging isang mabuting Kristiyano?”

Sumagot ang pastor at nagsabi: “Ano bang natutunan mo sa Bible Study?

“Mamahalin ang inyong kapwa gaya ng sa sarili”, mayabang na sagot ng miyembro.

“Tama ka!” ang sagot ng Pastor, “Gawin mo iyan at mapapabuti ka.”

Pero parang di nasiyahan ang miyembro sa narinig na sagot mula sa pastor kaya nagtanong pa siya ulit: “Pastor, sino sa aking mga kapwa?”

At sumagot ang pastor sa pamamagitan ng isang kuwento:

“May isang sales lady ang nagaabang ng masasakyan papunta sa kanyang pinagtatrabahuan dyan sa SM MOA nang biglang tinambangan siya ng mga batang adik sa Pasay. At dahil sa nanlaban, aksidenteng nasaksak ang babae nang pwersahang hablutin ang bag sa kanyang mga kamay. Walang nagawa ang babae kundi ang humiga sa madilim na eskenita, agaw-buhay na naghintay sa sinomang dadaan at tutulong.

Nagkataon naman na may simba nuon dyan sa Sta. Rita kaya’y may isang Katolikong deboto ang dumaan sa eskenita ngunit ng dahil sa takot, minabuti niyang dumaan sa Airport road upang maiwasan ang mapasali sa gulo ng babaeng duguan.

Maya-maya, may isang diakonesang taga-Unida na dapat din dadaan sa eskenita ngunit dahil napansin niyang ang daming usisero, alam niya agad na may gulo kaya’y umiwas siyang dumaan dito at mahuhuli na rin siya sa B.S dyan sa Sitio.

Buti na lang may isang muslim na taga dyan sa G.G. Cruz na papunta sana sa kanyang puwesto ng paninda dyan sa labasan ngunit nung napansin niya ang duguan babae, nahabag siya rito at isinakay niya ito sa taxi. Dinala niya ang babae sa Protacio hospital at sinundan hanggang emergency room. Nagbilin pa siya sa on-duty nurse na kung kakailanging operahan ang babae, babalikan ang kanyang pwesto para kunin lang ang kita nung araw na iyo para lamang may pang-abono.”

“Sino sa tatlong ito ang sa tingin mong naging mabuting kapwa sa sales lady na tinambangan ng mga adik?” tanong ng pastor.

“Ang taong nagmalasakit sa babae”, sagot ng miyembro.

Ang sabi ng pastor: “Ganun din ang iyong gawin.”

Nakikita-kita ko na ang reaskyon ng sinomang makakabasa o makakarinig ng istoryang ito na taga-Baclaran. Nagugulat sila at sasabihin: “Huwhat? Mayroon bang mabuting Muslim sa G.G. Cruz? Kalokohan yan!” Ngunit ito po ang punto ng kuwento. Ito ang inaasahang reaksyon ng istoryang nung ikinuwento ni Hesus. Sapagkat nuon, kung tatawagin mong mabuti ang isang samaritano para mo na ring sinabi na may mababait na Muslim dyan sa redemptorist. At katulad din ng reaksyon ng mga tagapakinig ni Hesus nuon, babalewalain natin ito at sasasabihin: Kalokohan!

Intensyonal po na binaligtad ni Hesus ang karakter sa istorya upang mabigyang-diin ang tunay na kahuhulagan ng pagmamahal sa kapwa. Hinihingi ng istoryang ang isang uri na pagsunod na mahalin ang lahat ano pa man ang kanilang lahi, relihiyon o katatayuan sa buhay. At Oo, maging muslim man sila. Sa istorya ng pag-ibig, wala sa iiniibig ang pokus ng kamera sapagkat ang umiibig ang laging bida. Hindi sa tatanggap ng pagmamahal kundi sa nagbibigay.

Mga magulang ko’t kapatid, kailan po tayong huling nagbigay ng pag-ibig sa ating kapwa? Malimit po nating lagyan ng kundisyon ang ating pag-ibig? 

“Mapapatawad ko lamang ang kapatid ko kapag humingi siya ng tawad.”

“Pinabayaan akong mag-isa ng mga magulang ko. Paano ko sila mapapatawad”

“Hindi ako uuwi sa bahay hangga’t naroon ang boyfriend ng nanay.”

“Ikaw kaya ang utangan, kung di ka masaktan!”

“Siya ang nauna, hindi ako kaya di dapat ang unang bumati”

“Kung sino ang matatanda, siya dapat ang umitindi”

“Ang bata ang dapat magparaya sa matatanda”

“Adik siya, Kuya, Adik, pano ko papatawarin ang isang adik!”

Kailan po tayong huling nagbigay ng pag-ibig sa ating kapwa? Kailan pa nagkaroon ng kundisyon ang pag-ibig?


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: