Posted by: lmfilio | September 24, 2008

Kamatayan sa sarili at Paglalakad sa tubig

Napako ako sa krus kasama ni Cristo, gayunman buhay ako. Ngunit hindi na ako ang nabubuhay kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman, ikinabubuhay ko sa pananampalataya sa Anak ng Diyos na siyang umibig sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin.

Galatia 2:20

Nagsalita kaagad si Jesus na sinabi sa kanila: Lakasan ninyo ang inyong loob. Ako ito, huwag kayong matakot. Sumagot sa kaniya si Pedro: Panginoon, kung ikaw nga, hayaan mong makapariyan ako sa iyo sa ibabaw ng tubig. Sinabi niya: Halika. Pagkababa ni Pedro mula sa bangka, lumakad siya sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. Ngunit nang makita niya ang malakas na hangin, natakot siya at nagsimulang lumubog. Sumigaw siya na sinasabi: Panginoon, sagipin mo ako.

Mateo 14: 27-30

Nuong aking huling mensahe, ipinaliwanag ng inyong lingkod ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng binagong-buhay sa pamamagitan ng personal na kaugnayan kay Hesus. Binanggit ko nuon na bagkus maipapakita natin ito sa pamamagitan ng masipag na pagdalo sa mga pagawain sa iglesia o sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga kasalanan, higit pa dito, katumbas nito ang pagiging taga-sunod ni Hesus. Ito ang ibig sabihin ng binagong-buhay: ang sundan si Hesus bilang daan sa buhay na walang hanggan.

Ngunit bakit nagbubunga ng pagbabago ang pagiging taga-sunod ni Hesus? Ano ang taglay nitong kapangyarihan upang magpabago ng isang buhay?

Ayon kay Hesus, nagbubunga ito ng pagbabago sapagkat kung nagnanais ang sinoman na sundan siya, kailangan niyang iwanan ang kanyang sarili, ipasan ang kanyang krus at sundan siya. Matatagpuan natin ito sa sulat ni Mateo 16:24. Dito, gumamit si Hesus ng pagwawangis o metapora. Kamatayan sa krus, isang literal na kahulugan upang iugnay sa isang di-nakitang kamatayan- katamayan ng sarili. Alam nyo po, nuong panahon ni Hesus, kahit bago pa man siya ipinako sa krus, halos araw-araw kay raming mga Hudyong rebelbe o kriminal ang namamatay sa mga kamay ng mga Romano sa pamamagitan ng pagpasan at pagpako sa krus. Kaya nuong kausap niya ang kanyang mga taga-sunod, malinaw sa isipan nina Pedro, Juan at ng iba pa na kamatayan ang literal na kahulugan nito. Ngunit dahil sinuko na nila ang lahat ng kanilang tinatangkilik, iwan ang kanilang pakabuhayan pati ang mga mahal sa buhay at sumama sa ministeryo ni Hesus sa kabila ng bantang literal na kamatayan, alam din nila ang di-literal ng kahulugan ng hamon ni Hesus – ang mamatay sa kanyang sarili. At dahil dito, alam nila na hindi na sila magiging katulad ng dati sapagkat iniwan na nila itong lahat. Walang natitira. Walang pero-pero. Lahat. Mula noon, nagbago na hugis ng kanilang mga buhay. Mga magulang ko’t kapatid, ito lamang paraan upang maging taga-sunod ni Hesus. Ito ang daan ng kamatayan. Ito ang daan ng krus. Ito ang daan ng pagbabago.

Kapag narinig ito ng karamihan ang palaging reaksyon: “Ang bigat naman!”. Ang iba nagtatanong: “Bakit ang laki naman ng hihinging kapalit ni Hesus?” At ang iba naman magsasabi: “Ang morbid naman. Di ko kakayanin yan. May iba pa bang paraan? Hindi pa ba sapat na nagsisimba ako at umiiwas sa kasalanan?” Marami ang nalulula sa laki ng hinihingi ni Hesus kapalit ng napakaliit ng makukuha benepisyo kung maging taga-sunod niya. Kung baga, hindi sulit. No deal. Kahon. Tama? Naalala ko tuloy yung kwento nina Daddy Arnold tungkol kay Nikki nuong batang-matulet pa siya. Pinagsasabihan ni Daddy si Nikki na matulog tuwing tanghali at kung hindi, hindi siya lalaki. At dahil matigas ang ulo, mangangatwiran siya: “Ok lang, ayaw ko namang lumaki.” Ayan tuloy.

Marami po sa atin ang ganito. Ayaw nating lumalaki. Gusto natin tayo ang masusunod. At kung gustuhin man nating magbabago, gusto natin magbabago tayo sa paraang gusto natin, sa oras ng gusto na rin at sa lugar lang na gusto natin. Ito po ang dahilan kung bakit gusto ni Hesus na mamatay tayo muna sa ating mga sarili upang magsimula ang pagbabago sa ating buhay. Sapagkat batid niya ang kalooban ng puso ng isang tao. Alam niyang hindi mangyayari ang pagbabago kung hindi mo siya pababayaang gawin ang pagbabago sa buhay mo. Ito po ang misteryo ng malayang kalooban o “free will”. Hindi po ipagpipilitan ng Dios ang kanyang kalooban sa isang tao maliban naisin nya mismo ito. Balikan po ninyo ulit at ang talata sa Mateo 16:24. Ang sinabi ni Hesus, “Kung sinomang nagnanais.” Bigyang diin at pansin ang salitang “nagnanais”. Magkasunod ka lamang kay Hesus kung nanaisin mo ito. Alam ni Hesus na sa pamamagitan lamang ng boluntaryong pagsuko ng ating mga buhay sa kanya, maililigtas natin ito at kung ipagkakatiwala natin ang ating mga sarili, saka lamang natin matatagpuan muli ito. Kung mamatay tayo ngayon sa ating mga sarili, mabubuhay tayo, di lang sa ngayon pati na rin sa walang hanggan. Katulad ng sabi ni Pablo sa Galatia 2:20: “Napako naman tayo sa krus kasama ni Hesus ngayon, gayunman buhay tayo.” Huh? Bakit ganun? Napako na sa kamatayan ngunit nanatiling buhay? Sapagkat pagwawangis ito ng isang katotohan na hindi na tayo ang nabubuhay sa ating mga sarili kundi si Cristo na ang nabubuhay sa atin. At ang buhay na ikinabubuhay natin ngayon, ikinabubuhay natin sa pananampalataya sa Anak ng Diyos na siyang umibig sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin. Basahin po ninyo muli ang Galatia 2:20 dun po nasusulat ang mga ito.

Kuya Lance, gusto ko namang magbabago. Gusto ko namang maging taga-sunod ni Kristo pero marami ng beses akong nabigo. Kung alam mo lang ang lahat ng pinagdaanan ko. Ilang beses na akong nadapa at nasaktan. Pinilit ko namang maging tapat at maging masaya sa aking paglilingkod pero hindi ko pa rin kayang iwanan ang buhay ng kasalanan. Kaya nga ako nandito sa kapilya kase gusto kong magbago ang aking buhay. Gusto ko pero hindi ko magawa. Gusto ko pero parang di ako nagtatagumpay. Pero bakit nga ba tayo nabibigo sa kabila ng ating kagustuhang magbago? Hindi ba sapat na gustuhin kong magbago?

Pakinggan po natin ang isang kwento: Isang gabi habang nasa bangka ang mga taga-sunod ni Hesus sa lawa ng Galilea, nakita nila si Hesus na naglalakad sa tubig. Sa kagustuhang makasama siya, tinatawag ni Pedro si Hesus at nagsabi: Panginoon, kung ikaw nga iyan, tawagin mo akong sumama sa inyo dyan sa tubig. Sumagot si Hesus: Halika! Kaya’t lumabas si Pedro mula sa bangka, naglakad sa tubig, at sinundan si Hesus. Habang ginagawa nya ito, dumating ang malakas na hangin at unti-unting siyang lumubog . Sa takot niya, sumigaw siya kay Hesus at nagsabi: “Panginoon, Iligtas mo ako!”. Dali-daling inabot ni Hesus ang kanyang mga kamay, sinagip si Pedro at sinabi: “Lumiit ang inyong pananampalataya. Bakit ka hindi nagtiwala?” Mababasa ang talatang ito sa Mateo 14:22-33.

Pagwawangis o metapora ang kwentong ito sa katotohanan ng tungkol sa pagnanais sundan si Hesus. Sumasalamin ito sa uri ng pagnanais na kinakailangan upang matagumpay tayo sa pagiwan ng sarili at pagpasan ng krus. Ayon sa kwento, kung nais natin sundan si Hesus, kailangan nating lumabas sa bangka at lumakad sa tubig. Alam nating walang taong nakakalakad sa tubig. Kung meron kayong alam, pakilala nyo naman sa kin. Dahil nasanay ang marami sa atin na basahin ang kwentong ito na kwento ng himala, nakakaligtaan nating bigyang pansin ang metaporang kahulugan nito, ang kaugnayan ng pagnanais na sundan si Hesus at paglutang sa tubig. Nasubukan nyo na bang mag-floating? Sa mga marunong mag-swimming, alam natin ang pinakamarahirap matutunan sa floating. Ito ang nagtiwalang lulutang ang ating mga katawan sa tubig kapag hinayaan natin ito. Halimbawa, kung tuturuan tayong mag-floating, ang sasabihin sa atin: “Madali lang yan. Hayaan mo lang lumutang ka sa tubig, wag kang gagalaw, lulutang ka”. Pero kahit alam natin ito at nasa isip natin ang payong ito, bakit parang nakapahirap pa rin gawin ito. Hindi natin mapigilang hindi gumalaw kapag naramramdam natin na lulubog tayo. Lalo na kapag nalalagyan ng tubig ang mukha natin at hindi tayo makahinga. Pagkatapos unti-unti, sa paulit-ulit masasanay na tayo. Di mo na napapansin mas tiwala ka na sa tubig at hinahayaan nating ibigay sa tubig ang bigat ang ating katawan hanggan sa makakaramdaman natin na lang na lumulutang na tayo. At masasabi natin sa iyong sarili, tama pala sila, ang kailangan lang, huwag gumalaw at magtiwalang lulutang ka. Madali lang pala talaga.

Hindi ko po sinasabing nag-floating si Pedro nung lumakad siya sa tubig. Ang kwentong ito ang naglalarawan ng isang uri ng nagpatitiwala kinakailangan upang maging matagumpay tayo sa pagnanais na sundan si Hesus. Sa sadaling naisin nating sundan si Hesus, hindi niya tayo tuturang lumalakad sa daang-batuhan bagkus sa ibabaw ng tubig. At ang sa ibabaw ng tubig, lulubog tayo kung hindi tayo magtitiwala. Sa ibabaw ng tubig, hindi lang sapat na gusto lang natin, kailangan unti-unti, paulit-ulit, gagawin nating matiwala upang matututong lumitang dito. Sa ibabaw ng tubig, kaya tayo lumulubog, kaya tayo napapagod sa pagsunod at sa paglingkod, kaya tayo lumulubog sa kasalanan, kase galaw tayo ng galaw. Gusto natin gumawa ng paraan para sa ating mga sarili. Ayaw natin magtiwala. Ayaw natin hayaang ilutang tayo ng tubig.

Ngunit kahit ganun pa man, sa ibabaw na tubig, naroon din ni Hesus. Sa ibabaw ng tubig, may saklolong darating. May kamay na aabot sayo sa sandaling humingi ka ng tulong. Sa ibabaw ng tubig, naroon si Hesus na laging magpapalala sa inyo na kung nais mong sundan siya, iwanan mo ang inyong sarili, magtiwala ka at lumutang ka kasama siya. Hindi ninais ni Hesus na sundan mo siya ng hindi mo siya kasama. Nais ko pong bigyaang-diin: “Hindi ninais ni Hesus na sundan mo siya ng hindi mo siya kasama.” Pero bakit ganun ang tanong ni Hesus? Bakit sa mga sandaling alam mong makakasala ka, alam mong tinatamad ka, alam mong hindi mo kaya, bakit hindi ka sa aking nagpupunta? Bakit sa mga panahon ng paghihirap, ng pagsubok at ng pagaalala mas ninamabuti mong mag-isa. Gumawa ka ng mga paraan ng hindi ako ang inyong kasama. Bakit ka nagpupunta sa kapilya tuwing Linggo ng hindi mo man lang ako binabati tuwing umaga. Bakit nuong nangako kang iiwan ang bisyo ng para sa akin, nagduda ka na hindi mo ito kakayanin samantalang ako ang inyong kasama? Bakit nuong nangako kang paglilingkuran mo ako habang buhay, inisip mo na naiisa ka samantalang kahit kailan, kahit kailang. Hindi kita iniwan. Bakit nuong sinabi ko sa’yo na mapalad ka sa kabila ng inyong kahirapan, nag-aalala ka pa rin tungkol sa pera araw-araw? Alam mong kahit kailan hindi kita ipagkulang? Akala ko ba gusto mo akong sundan? At kung gusto mo akong sundan, bakit ayaw mo akong samahan? Mahal kita pero kung hindi mo ako hahayaang magmahalin kita, paano malalaman? paano mo mararamdaman? Nasan ang inyong tiwala? Nasan ang inyong pagmamahal?

Mga magulang ko’t mga kapatid, ang pagnanais na sundan si Hesus, ang pagbabagong-buhay, ang pag-iwan sa sarili, ang pagpako sa krus, ang kamatayan sa krus, magyayari lamang kung matitiwala tayo ng lubusan sa ating sinusundan. Hindi tayo magbabago kung hindi tayo magtitiwala ng lubusan. Hindi tayo magbabago kung sa pagsunod, hindi siya ang ating kasama. Ito ang ibig sabihin ng pagiging tagasunod ni Hesus. Halika, lumabas tayo sa bangka at lumakad sa tubig kasama ni Hesus, ang ating Panginoon.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: