Posted by: abidavs | August 5, 2008

Quiet Moments with God

Isang Martes sa buhay ko, alas-otso ng umaga, pumasok sa isip ko ang sermon noong Linggo tungkol sa pakikipag-usap sa Panginoon. Ma-try ko nga, sabi ko sa loob-loob ko.

“Speak to me O Lord, your servant is listening”…. “Speak to me O Lord, your servant is listening”….. “Speak to me O Lord, your servant is listening”…

After 5 minutes, “Hello! Lord, yuhoo!”….

Wala pa rin nangyari. Hindi yata ako kakausapin ni Lord. Maingay kasi siguro. Madaming tao, palakad-lakad… maraming sasakyan na bumubusina.. maraming kung anu-anong nangyayari sa paligid.

Pero palagay ko, mas maingay kasi ang buong pagkatao ko.

Marami akong iniisip sa araw na ‘to. Well…palagi naman yata. Hobby ko na yata ang mag-isip ng kung anu-ano nitong mga nakaraang araw. As usual, toxic pa rin ako sa trabaho. Ang dami kong dapat gawin para sa mga projects ko na hindi ko magawa-gawa. Pagod na pagod na ko sa kaka-overtime nang di naman nababawasan ang mga dapat kong gawin. Nadadagdagan lang lalo.

Marami din akong dinadamdam. Magkaaway kasi kami ng pinakamalapit na tao sa buhay ko ngayon. Marami kaming mga bagay na hindi pinagkakasunduan at di pinagkakaunawaan. Nagkakasakitan na nga kami at ang mahirap pa, parang pagkatapos nito, walang linaw kung ano ba ang mangyayari.

Hay.. ang buhay nga naman.. “when it rains, it pours”…

Kaya ang ingay.. Bawat segundo yata, me iniisip o dinadamdam ako. Ni hindi ko nga magawang tumungaga para masdan ang ibang taong o ibang bagay dahil masyado na akong “pre-occupied” sa sarili ko.

Kaya kailangan ko talaga ngayon ng quiet moment with God. Para isa-isahin sa Kanya ang lahat ng bumabagabag sa isip at puso ko.

“Speak to me O Lord, your servant is listening”…. “Speak to me O Lord, your servant is listening”….. “Speak to me O Lord, your servant is listening”…

Bakit ba ganito kasi ganito Lord? Hindi ba pwedeng isa-isa lang at mahina ang kalaban? Pinag-pe-pray ko naman na sana mas magkaroon nga ako ng time para sa ‘Yo pero bakit parang mas lalong nauubos ‘yung time ko? Lord, please naman.. speak to me na…

Pagkatapos ng ilang oras, habang pasakay ako ng taxi… narinig ko na din ang hinihintay ko..

“Ano bang pagkakaiba mo sa ibang taong toxic din sa trabaho na nagtatrabaho araw at gabi? Ano ba ang pagkakaiba mo sa ibang taong mayroong broken relationships na nasasaktan at nahiirapan din?”

“Wala… ”

“Ikaw lang – a God who calms the storms”.

“Then do you trust Me to bring you through it?”

Nalingid ang luha ko sa narinig ko at parang bilang tumahimik ang lahat ng agam-agam ko. Oo nga, do I really trust God to bring me through it? Palagay ko hindi.. dahil sa loob ng linggong nakaraan, sinusubukan ko pa rin palang kontrolin ang buhay ko. Sinusubukan ko pa ring ubusin ang lakas ko sa lahat ng bagay na gumugulo sa akin kahit ang sinasabi na ng puso ko ay, “let go and let God”..

Umpisa pa lang pala ng lahat ng mga bagay na ito, kinakausap na Niya ko.. di ko lang Siya naririnig. I wanted Him to talk to me the way I expected Him to, at the time I want Him to. I still want to take control.. pero hindi ganun..

If I really want to hear God’s voice, I must patiently and eagerly wait for Him. If I really wanted God in my life, I should stop taking control. And if I want God to bring me through my problems and worries, I must trust that He is capable of doing that.

I know God is capable of calming the storms, I just must stop navigating on my own.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: