Posted by: abidavs | March 27, 2008

Ika-anim na Wika ni Hesus : Naganap Na!

Naganap ang pagliligtas na ipinangako ng Panginoon sa bayang Israel, sapagkat sa araw na iyon, si Jesu-Kristo – sa kabuuan ng Kaniyang pagka-Dios, na ipinanganak sa laman at nabuhay bilang tao.. ay nagpakababa at naging masunurin hanggang sapitin Niya ang kamatayan sa krus upang sa gayon maipahayag ang kaluwalhatian ng Dios (Phil. 2:8) at ang kaligtasan ay maihatid sa ating mga makasalanan.  Bilang isang Kabataang lumaki na sa ating Iglesia, matagal na pong naiaral sa akin na ako ay makasalalan at hindi kailan man makakabot sa kaluwalhatian ng Dios. Alam ko rin na ang ugat ng aking kasalanan ay ang aking kapanganakan sa laman, hindi dahil ang laman ay likas na masama kundi dahil sa pinili nina Adan at Eba na naising maging kapantay ng Dios at sumaway sa Kaniyang utos. Ngunit, ang ugat lamang ba ng ating pagiging makasalanan ay ang ating kapanganakan sa laman? Kung ito lamang, hindi ba parang unfair sapagkat wala naman tayong choice sa ating kapanganakan? Hindi naman po natin ginusto na ipanganak sa kasalanan at lalong hindi sa kondisyon kung nasaan tayo ngayon.  

Ayon po sa aking binabasang libro na may pamagat na “Mere Christianity” na isinulat ni C.S. Lewis, ang tao daw po sa kaniyang likas ay may angking kakanyahan na malaman kung ano ang mabuti sa masama at ang kaalaman daw pong ito ay isang bagay na “universal” o panglahatan na hindi nasasakop ng mga kultura o personal preferences. Nag-iiba- iba lamang po ang degree o ng priority ang mga tao ukol sa ano ang ituturing niyang mas mahalaga sa mga bagay na mabububuti. Ang problema lamang po, gaano man katalino o kagaling o natural na mabait ang isang tao, nahihirapan tayong piliin ang mabuti sapagkat sa pagpasok ng kasalanan kina Eba at Adan, ating pinananangan ang ating mga laman na higit kasya manatili sa piling ng Panginoon.  Pinipili nating ang “pride” o ang kalagayang tignan ang ating mga sarili na mas mabuti kasya iba. Pinipili natin ang “power” o ang kalagayang pananangan ang ating mga likas o mga kakanyahan o kayamanan para tapakan, saktan o kontrolin ang iba. Pinipili natin ang tawag ng laman at sinasabing natural kasi ito sa atin. Ang sabi nga po, we seek to find pleasure in oursselves. Kung gayon po, bagamat ang ating kapanganakan sa laman ang siyang nagbigay sa atin ng ating pangunahing kapintasan, ang ating mga personal na mga pagpili ang patuloy na naglalayo sa atin sa piling ng Panginoon.

At ang mga pagpili pong ito ay ating minana sa ating mga magulang at sa kanilang mga magulang, atin nang sinimulan noong tayo’y mga bata pa at patuloy na ginagawa. Ang tanging solution lamang po sa ating kalagayan ay ang tayo’y sumuko, humingi ng tawad, at magsimulang muli. Ang popular term po nito sa atin ay repentance na ang ibig sabihin ay 180 degrees na pagtalikod at pagbabago ng ating mga pag-iisip. Ulitin ko po, ang repentance ay 180 degrees na pagtalikod AT pagbabago ng ating mga pag-iisip. Hindi po pagtalikod lang o pagbabago lang ng pag-iisip, sapagakt kung gagawin lamang nating ang isa sa kanila – We are asking God to take us back without actually going back. Ngunit paano po natin kakalimutan ang mga bagay na nakasanayan na natin sa loob ng mahabang panahon? Mahirap po itong gawin lalo na kung naging tatak na ito ng pagkatao mo.  Nakapagsinungaling na po ba kayo? Mayroon po bang isang bagay na sa tuwing haharapin niyo ay napipilitan kayong magsinungaling? Ano po ang mas madali, amining nagsinungaling ka at tanggapin ang mga consequences ng iyong pagsisinungaling o ang magsinungaling uli upang pagtakpan ang pagkakamaling nagawa mo?  This is the problem with repentance – the more we need repentance, the less we can do it and only a good person can repent perfectly and he being a good person, would not need it as badly. That’s why God needed to send His only Son.  

Ang tao sa kaniyang pagiging makasalanan ay may malaking pangangailangang magbago ng kaniyang pag-iisip ngunit hindi niya ito magawa sapagkat ang kaniyang kakanyahan ay walang lakas upang gawin ito at bagkus, mas madali sa kaniyang kalikasan ang pumili ng mga bagay na hind makabubuti sa kanya kasya amining siya ay may kasalanan.  Ang Dios sa Kaniyang kakanyahan ay kayang gawin ang perfect repentance – ang sumuko, humingi ng tawad at magsimulang muli. Ngunit sa Kaniyang pagiging Dios, hindi Niya kailangan ito sapagkat wala siyang kasalanan.  Si Jesus – sa kabuuan ng kaniyang pagiging Dios at pagiging tao – ang tanging daan upang mangyari ito. Tinanggap ni Jesus ang mga pang-iinsulto at mga hagupit nang walang pagnanais na lumaban. Pinahirapan at sinaktan Siya ngunit hindi siya nagbanta sa mga taong nagpahirap sa Kaniya kundi bagkus, ibinigay Niyang buong-buo ang Kaniyang sarili sa mga taong humahatol sa Kanya at  pinatawad ang mga taong nananakit sa Kaniya.  Pinili ni Jesus ang hindi natin kayang piliin – ang manatili sa piling ng Panginoon at huwag pananangan ang kaniyang kalikasan. Tinanggap Niya ang ating mga kasalanan at ginawa ang perpektong pagsuko, ang perpektong paghihirap, at ang perpektong kamatayan sa krus. The death of Christ has somehow put us right wth God and allowed us to have a fresh start. Ito ang bagay na naganap na! Si Jesus – sa kabuuan ng kaniyang pagiging Dios at pagiging tao – ay namatay sa krus para sa atin.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: