Posted by: lmfilio | January 27, 2008

Sa likod ng bawat pangko sa Diyos

Mga Aspeto ng Pakikipagtipan

Marahil marami na sa atin ang nakarinig na ng ibig sabihin ng 4Ws na malimit banggitin ng ating pastor. Ito ay tungkol sa pangakong pinangatawan ng mga kabataan nuon, isa po dito ang inyong lingkod, na tinuruang umiwas sa apat na uri ng bisyo:

1. Walang iinom ng alak
2. Walang maninigarilyo
3. Walang magsusugal, at
4. Walang magda-drugs

Ngunit katulad ng lahat ng uri ng pagpipigil, ang 4Ws ay isa lamang sa tatlong aspeto ng uri ng pangako – sa bibliya, ang tawag dito ay pakikipagtipan o “covenant”. May tatlong aspeto ang pakikipagtipan sa Dios:

1. Tawag o “Calling”
2. Tiwala o “Trust”
3. Tungkulin o “Obedience” – ito ay iba’t-ibang uri ng paglilingkod o mga kasalanang iiwanan

At sapagkat kadasalan nakakaligtaang ipaliwanag ang mga pang-loob na aspeto ng pakikipagtipan (Tawag at Tiwala), ang karaniwang nabibigyan diin ay ang mga pang-labas na aspeto nito (Tungkulin). Dahil dito, malimit ding makalimutan na ang mga panglabas na kapahayagan ng pakikipatipan ay bunga lamang ng pang-loob na kapaganapan nito. Ito ay layunin ng iyong lingkod ngayong gabi – ang tukuyin ang dalawang pang-loob na aspeto ng pakikipagtipan upang magkaroon ang bawa’t isa mas buo at malawak na pang-unawa sa bagay na ito.



Pang-loob na kaganapan ng pakikipagtipan

Ako po ay hindi umiinom ng alak, naninigarilyo, nagsusugal, at nagda-drugs. Lumaki po ako sa isang pamilya na ang aking mga kapatid at magulang na hindi tumatangkilik ng kahit anong uri nito. Dahil siguro lumaki ako sa ganitong kapaligiran, aking inakala na ito ay normal lamang at lahat ng tao ganito.

Nang malipat ng destino ang aking amang pastor dito sa Baclaran, duon ko nalaman na may mga tao palang gumagawa nito. Ang “pagpipigil” o “abstinence” ay hindi itunuturing na isang antas na tamang kristiyanong pamumuhay manapay ang pag-bibisyo ay itunuring na bahagi na ng pang araw-araw na buhay.

Nang kupkupin ng pastor ang pamamahala ng “Communicant Class” nung aking kamusmusan, ang mga batang may edad 10 hanggang 16 ay minulat sa isang nahigpit na pangakong “Walang iinom, naninigarilyo, magsu-sugal at magda-drugs”. Palibhasa’y hindi ko naman talaga ginagawa ang mga bagay na ito, naging madali para sa akin ang pagsunod dito ngunit ang aking mga naging kasama ay hindi. Habang lumalaki, ang bawa’t isa’y unti-unti nang nangawala sa kapilya, tuluyan ng lumimot sa pangako, hanggang halos lahat ay nakatikim na mga ito sa isang bahagi sa kanilang buhay. Marami ang nagsasabi na ito’y sanhi ng impluwensya ng lipunan, ng magulang, ng kapatid o kaibigan.

Sa aking pagbabalik-tanaw, maging kami na nangakong hindi gagawin ang mga ito ay nakalimot din sa mga pang-loob na aspeto ng pakikipagtipan. Sapagkat kung tutuusin, hindi man hayag, ito ay binigyaang-diin sa aming mga patitipon-tipon ngunit marahil hindi lamang nabigyang-pansin.

Ang unang aspeto ng pakikipagtipan na itunuro sa amin, bagkus hindi hayag, ay ang TAWAG o “calling”. Mula sa karamihan ay pinili kami upang maging sisidlan ng Dios na tumawag sa amin. Malinaw po itong ipinaliwanag sa amin ngunit dahil isa siyang pang-loob na kapahayagan ay malimit itong makaligtaan – Ang DIYOS ang pumili sa amin at hindi kami ang pumili sa kanya. Siya ang may akda aming pananampalataya. Sa Kanya manggagaling ang lahat ng ating kakailanganin upang ang lahat ng pangako ay maisakatuparan. Hindi po amin gagawin ang mga tungkulin upang maging karapat-dapat sa kanyang pagtawag bagkus sa kabila ng mga ito kami ay pinili Niya.

Pundasyon ng lahat ng ating pakikipagtipan ay ito: ang magkaroon ng personal na pakikipag-ugnay sa Dios sa pamamagitan ng tawag Niya sa atin. Hindi tayo ang umabot sa Kanya bagkus Siya ang tumawag sa atin. Ang katotohanang ito ang mapagkapagpapalaya sa’tin sa ugaling gawin ng lahat bagay sa pamamagitan ng sariling lakas. Marami sa mga kabataan at maging mga kalalakihan nuon, ang tumangging mangakong iwanan ang kanilang mga bisyo sa pag-aakalang hindi nila kakayanin ito. And they were right. Because the truth is: God never intended for them to do it by themselves but only with Him through his calling.

At ang bunga po nito ay ang pangalawang pang-loob na aspeto ng pakikipagtipan – ang TIWALA o “trust” sa Dios na tumawag sa atin. Ito ang sentro ng ating pakikipagtipan sa Dios – ang ibigay sa Kanya ang buong tiwala na tumutupad Siya sa kanyang pangako. Sapagka’t kung tutuusin, ano mang tungkulin ang ating ipapangako ay kasama natin Siyang tutuparin ito sa ating mga buhay.

Sa communicant class nuon ay may battle cry po kami na nabuo ang “Me and my Lord”. Ito po ang tunay na sentro ng aming pangako bilang magkakaibigan at kapwa batang Kristiyano na aming panahon, hindi lamang ang tungkuling tuparin ang 4Ws, bagkus sagutin ang TAWAG na buong TIWALANG ibigay ang aming mga buhay upang magkasamang tuparin ang mga TUNGKULING ipinangako sa Kanya.

Pagtatapos

Mga magulang ko’t mga kapatid, marami sa atin ang nakalimot tumupad sa mga pinangakong tungkulin, hindi dahil mahirap itong gawin, bagkus pinilit natin tuparin ang mga ito sa pamamagitan ng ating sariling lakas. Tinawag po tayo ng Dios hindi upang gawin ang mga ito PARA sa Kanya, kundi gawin itong KASAMA Siya. Gayundin, sa ating personal na pakikipagtipan sa Dios, ang ating tunay na pangako ay hindi lamang gawin ang mga sinumpaang tungkulin, kundi magtiwala na Siya ang kasama nating masasakatuparan nito sa ating mga buhay.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: