Posted by: lmfilio | December 21, 2007

Inside Story of Christmas: The Birth of a Kingdom

Introduction

Bilang huling Simbang gabi ng pormal na pananambahan, (Christmas Presentation ng Sunday School sa Dec 23 at P&W Service sa Dec 24) Inaasahan ko na marami nang mensahe ang ipinahayag tungkol sa kasaysayan ng kapanganakan ni Hesus buhat sa mga unang talata ng Mateo at Lukas. At upang maiwasan talakayin muli ang bagay na ito, minabuti po ng inyong lingkod na manggaling ang magiging mensahe ng ating Panginoon ngayon gabi sa kasaysayan bago nangyari ang kapanganakan ni Jesus .

The Christmas story gave birth to an Invisible Kingdom. At ayon sa hula ng propeta Zacarias, ito ay darating “not by might, nor by power, but My Spirit says the Lord” (Zacarias 4:6) Ngunit ayon sa kasaysayan ng Hudyo, pinilit ng bayang Israel na dumating ang kaharian ng Dios sa pamamagitan ng kanilang sariling pamamaraan. Ito ang mga nangyari bago ipinanganak si Hesus. Technically, it’s called the Intertestamental Period or the 400 Silent years between the Old Testament and the New Testament. Sa panahong ito, nabigo ang dalawang pangkat ng mga Hudyo ng tangkain nilang dalhin ang paghahari ng Dios sa kanilang bayan sapagkat hindi nila kasama ang espiritu ng Dios.

The Maccebean Revolt

Ang una, gumamit ng lakas o “might”. Ayon sa kasaysayan mula kay Josepheus, isang Jewish historian ng kanilang panahon, sinakop ang bayang Israel ng Griyegong emperyo sa pangunguna ni Alexander the Great at ng kaniyang mga henerales. Isa sa mga ito si Antiochus Epiphanes III na sumakop sa Jerusalem at ipinagbawal niya ang pananalangin sa templo, pangingilin sa Sabbath, pagbabasa ng Torah at pagtutuli. Ang kanyang kalupitan ay umabot sa sukdulan nung pasukin niya ang Jerusalem at pinatay ang walopung libong (80,000) Hudyo. Pagkatapos ay pinasok niya ang loob ng Kabanal-banalang Templo, pumatay ng isang baboy at nagtayo ng rebulto ni Zeus upang sambahin. Ang lahat ng ito ay karumal-dumal para sa isang debotong Hudyo kaya’t sa halip na hintayin nila si Yahweh upang sila ay ipagtanggol, minabuti nilang ilagay ang paghihiganti sa kanilang mga kamay at pinasimulan ang isang paghihimagsikan.

Ang rebulusyon ay pinangunahan ni Judas Maccabeo kasama ang kanyang amang si Matthias at apat na mga kapatid. Sa pamamagitan ng ilang Hudyong guerilla, ay unti-unti nilang timambangan ang kanilang mga kaaway at pinagpapapatay ang mga ito. Sa simula ay naging matagumpay ang kanilang hakbangin. Naibalik ang malayang pagkilos ng kanilang relihiyon at naitatag ang isang militar na kaharian sa Israel. Ngunit ang kapayapaang ito ay hindi nagtagal sapagkat ang namumuhay sa tabak ay nasusupil din ng tabak. Ang lakas na kanilang inaasahan ay sinupil ng pinalakas na puwesra ng kanilang mga kalaban. Di naglaon ay napatay ang mga rebolusyonaryong hudyo at unti-unti ang kaharian na akala nilang mula sa Dios ay napasailalim muli sa kaharian ng kanilang kaaway. At naalalang muli ng bayan Israel ang salita ng Dios sa pamamagitan ni Zacarias na ang paghahari ng Dios ay darating “not by might, nor by power but by His Spirit, says the Lord”.

Herodian Dynasty

Nang lumipas ang henerasyon ng mga Maccabeo, may isa namang pangkat ng mga Hudyo ang nagtangkang dalhin ang paghahari ng Dios sa kanilang bayan. Kung ang una ay gumamit ng lakas. Ang pangalawa nama’y umaasa sa kapangyarihan o “power”. Ayon sa kasaysayan, ang emperyo ng mga Griyego ay sumuko sa kapangyarihan ng Republika ng Roma. Sa pangunguna ng isang romanong heneral na ang pangalan ay Pompey, ang Israel ay naging probinsiya ng Roma at pinamunuan ng mga gobernador na pinipili ni Caesar. Bilang isang probinsiya, pinayagan na pamunuan ng isang lokal na lider ang Israel upang maging epektibo sa paniningil ng buwis sa mga nasasakupan. Dineklera ni Augustus Caesar na Hari ng mga Hudyo, kilala po nyo siya marahil, si Herodes.

Si Herodes ay isang ganid, tuso at ambisyosong pinuno ng kanyang panahon. Ginamit niya ang implewensya ng kanyang amang si Antipater sa mga taga-Roma upang gawin siyang hari ng Israel sa ilalim ng kapangyarihan ng Roma. Para kay Herodes, ang tunay na paghahari ng Dios sa Israel ay dumating na sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa kapangyarihan ng Roma. He may not have the title “Messiah” which everyone has been waiting for but since he seems to have all the power on this kingdom, so he commanded for everyone to address him as “Herod the Great”. Ang nakalalasing na espiritu ng kapangyarihan at hindi ang espiritu ng Dios ang lumunod sa puso niya kaya’t di rin nagtagal, ang kanyang buhay ay binalot ng kasakiman at sumira ng kanyang buong pagkatao. Dahil sa kagustuhan niyang magpasikat kay Caesar ay pinatawan niya ng sobrang laking buwis ang kanyang nasasakupan na mariing ikinagalit ng mga Hudyo. Pati ang templo ng Dios ay ginagawa niyang pugad ng kalakalan na siyang sumira sa kabanalan nito. At upang mapanatili siya sa puder ng kapangyarihan ay pinapatay niya ang kanyang sariling asawa, tatlong anak pati ang kanyang biyenan. May pagkakataon din, ayon kay Mateo, na pinapatay niya ang mga panganay na lalaking sanggol at bata sa Bethelem sa takot na isilang ang tunay na Messias ayon sa hula ng mga propheta. Ito ang naging sukdulan ng kanyang pangaabuso sa kapangyarihan. Ngunit dahil ang mapagmataas ay ibinababa at ang ibinababa ay itinataas, nagkaroon siya ng malubhang sakit. Ang kapangyarihan ni Herodes ay napawi kasunod ng kanyang pagpanaw at muli ay naalala ng bayang Israel na ang paghahari ng Dios ay darating “not by might, nor by power, but by My Spirit, says the Lord”.

The Kingdom of God

The dawn of a new era has begun – the Lord has finally spoken and He has broken His 400 years of silence. “The Spirit of the Lord  has come upon you, Mary”, Gabriel said. “The power of the Most High will overshadow you”. “Narito, ikaw ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. At ang ipapangalan mo sa kaniya ay Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kaniya ng Panginoong Diyos ang trono ni David na kaniyang ninuno. Siya ay maghahari sa tahanan ni Jacob magpakailanman at ang kaniyang paghahari ay hindi magwawakas”. At ayon sa sulat ni Lukas, si Jesus ay lumago sa karunungan, at pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Diyos, at sa mga tao.  

At dumating ang paghahari ng Dios sa buhay ni Jesus bilang isang “Rabbi” o Guro. Puno ng espiritu ng Dios, itinuro nya sa kanyang mga taga-sunod na ang paghahari ng Dios ay hindi sa pamamagitan ng pagamit ng sariling “lakas o might” upang talunin ang kanilang mga kaaway kundi sa pamamagitan ng pamumuhay ng may pag-ibig sa Dios at sa tao. Hinimok niya ang kanyang mga taga-pakinig na kung mayroong Romanong kawal na maguutos sa kanila na lumakad ng higit sa isang kilometro pasan ang balutan nito ay, Ayon sa Mateo 5:41, lumakad ng higit pa sa dalawang kilometro na kasama niya. Sapagkat ito ang tunay ng paghahari ng Dios. Ito ang gagawin ng isang taong pinamumuhayan ng espiritu ng Dios.

Higit pa dito ay itinuro din niya na ang paghahari ng Dios ay hindi sa pamamagitan ng  sariling “kapangyarihan o power”. Ipinahayag ni Jesus sa kanyang mga disipolo “that in the Kingdom of God, the greatest will be the least and the least with be the greatest”. He explained that the Kingdom-order is the opposite of the World-order – that  being “The Great” in his Kingdom means being “The Servant of all”. At nang hugasan ni Jesus ang kanilang mga paa ng gabi bago siya ipinako sa krus ay sinabi niya sa kanila na gawin nila ito sa isa’t-isa sapagkat ito ang gagawin ng isang taong pinamumuhayan ng espiritu ng Dios. Dahil dito, naalala nila at nakita sa buhay ni Jesus na ang paghahari ng Dios ay dumating na nga  “not by might, not by power, by My Spirit, says the Lord”.

The Kingdom came Unto Us

Mga magulang ko’t mga kapatid, ang kaharian ng Dios na dumating sa kanila ay dumating na din sa ating panahon. Ipanalangin natin sa kapaskusang ito ay maghari ang espiritu ng Dios sa ating mga buhay. Hayaan natin na balutin tayo ng pag-ibig ng Dios at sa tao sa bawa’t gagawain natin sa dito sa loob at labas ng ating kapilya. Huwag natin bigyan ng pagkakataong maghari sa ating mga puso ang galit, pagmamataas at iingit. Bigyan natin ng puwang ang espiritu ng Dios na kumilos sa ating mga buhay upang patuloy tayong mabuhay ayon sa Kanyang kabutihan at gabay. At ang pinakamahalaga sa lahat, huwag tayong umasa sa sariling nating lakas at kapangyarihan upang mangyari ang bagay na ito. Tandaan po natin na ang paghahari ng Dios ay dumating “not by might, nor by power, by My Spirit says the Lord.”


Responses

  1. Hehe nabasa ko na manuscript ng sermon ni kuya Lance bukas…

    Honestly, i’ve never read anything about the Maccabees. Does the book of Maccabees from the Apocryphal books count this history?

  2. Good observation. Yes. The story of the Maccabees was also accounted from the Apocryphal book of the same name. However, it was also confirmed historically by Josepheus, a jewish historian of that time. So it did happened. However, it failed to be included in the canon because, as accounted above, it written during the 400 silent years which of course means it was not divinely inspired by the Spirit of God as essentially portrayed here.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: