Posted by: lmfilio | December 12, 2007

A Life worth Living – Introduction to Practicing Disciplines

life.jpg

Masaklap na Katotohanan

Ayon sa National Statistics Office (NSO), mahigit sa kalahati kung hindi man, karamihan ng mga Filipino ay nagbabasa o nakapagbasa na ng Bibliya. Ngunit sa halip na ito ay makatulong upang iangat ang antas ng moralidad at espirituwalidad ng bansa, ang Filipinas ay dumaranas pa rin ng kabi-kabilang batikos mula sa karatig bansa sanhi ng lagap na pagsusuhulan sa gobyerno at krimen sa lipunan.

Ang simbahan ay hindi rin nakaligtas sa ganitong klase ng kabaligtaran. Sa kabila ng mataas ng bilang ng dalo lingo-lingo sa bawat simbahan, hindi lamang sa Unida, ay kakaunti sa kalahati nito ang aktibong nakikibahagi sa pangunguna, pagaaral, pananalangin at pagmi-ministerio.

Ito na marahil ang hinaharap na pagsubok ng ating iglesia sa panahon ngayon: Pito sa sampung Kristiyano na tumanggap kay Hesus bilang tagapagligtas ay patuloy pa ring mabubuhay para sa kanyang sarili, hindi kinilala ang paghahari ng Diyos sa kanyang buhay at lumalakad ng taliwas sa turo ni Kristo ukol sa panglilingkod.

Mahirap at Nakakatamad

Karaniwang dahilang kung bakit karamihan ng mga Kristiyano bumabagsak sa bahaging ito ay sanhi na rin ng pag-iisip na ang buhay ng isang Kristiyano ay mahirap at nakakatamad. Kung totoo ang bagay na ito, bakit ang sabi ni Hesus na:       

“Kayong lahat na napapagal at nabibigatang lubha, pumarito kayo sa akin at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at mag-aral kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mababang-loob. At masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Ito ay sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.”

Ang sabi ni Hesus sa kanyang mga tagasunod na kung sila ay susunod sa kanya ay makatatagpo sila ng kapahingan sapagkat madaling dalhin ang kanyang pamatok at magaan ang aking pasan. Ngunit ang nakapagtataka, bakit marami ang nagsasabi na ang buhay Kristiyano ay pahirap lamang sa tunay na buhay? Sa kabilang banda naman, may mga nagsasabi na ang buhay Kristiyano ay paulit-ulit lamang na tradisyon na walang saysay at halaga. Ang buhay Kristiyano ba ay isang buhay na magaan, may saysay at halaga?

Tunay na Buhay

Meron! Ang buhay na umaasa sa kakayahan ng espiritu ay magaan at may kabuluhan ngunit ang buhay na umaasa sa kakayanan ng laman, maging sa kanyang buhay kristiyano ay mahirap at nakakatamad. Sapagkat ang mabuhay sa espiritu ay higit sa mga karaniwang gawin (outward expressions of faith) lamang tulad ng pananalangin, pagsamba at pagbabasa ng bibliya. Ito ay isang pang-loob na katotoohan. (inward reality). Mahirap at nakatatamad ang buhay kristiyano sapagkat hindi pa nangyayari ang katotoohang ito.

Ngunit paano natin matitiyak kung tayo ay nabubuhay nga sa espiritu? Ang sabi ni Hesus kay Nicodemo, ang hangin ay umiihip ng hindi mo natitiyak kung saan nanggagaling ngunit alam mong naririyan. Ganun din ang pinanganganak sa espiritu. Hindi man natin natitiyak kung kailan ito nangyayari ngunit alam natin ito ay naganap na nga sa ating buhay. At ang tunay na pinanganak sa espiritu ay nabubuhay sa isang buhay-pagsasanay

Buhay Pagsasanay

Ang Kristiyanismong walang pagdi-disipolo ay katulad ng isang Kristiyanong walang Kristo. Ang isang pusong tumanggap kay Kristo bilang Tagapagligtas ay tinanggap din si Kristo bilang Panginoon. At bilang Panginoon, ang isang tunay na Kristiyano ay tagasunod o disipolo ni Kristo.

Paano kung isang araw ay puntahan ka ng isang grupong namamahala sa paligsahan ng takbuhan at kinukuha ka nilang bilang manlalaro sa malayung takbuhan? Wala kang karanasan sa bagay na ito at hindi ka rin naman talaga manlalaro sa kahit ano mang paligsahan ngunit dahil sa kanilang pag-aaral sa hubog at higis ng isang katawan, ayon sa siyensiya ay may potensyal kang maging isa sa pinaka-magaling na manlalaro. Ngunit bago mo pa man abot ang tagumpay, kailangan ka pa ring sumailalim sa mahigpit na pagsasanay. Mayroon ka mang naturang kakayahan upang gawin ang mga bagay na ito, sasapat lamang ito kung ikaw ay papasok sa isang buhay pagsasanay.

Katulad ng isang manlalaro, ang buhay espirituwal ay isang buhay pagsasanay. Bagama’t tinanggap natin ang naturang kakayahan ng espiritu, kinakailangan pa rin nating mabuhay ng naayon sa disiplina ng espiritu.

Kapahayagang Espirituwal

Paano nga ba maging espirituwal? Karamihan sa atin na lumaki na sa kapilya, palibhasa nasanay sa mga gawain ng iglesia, ay karaniwang iniisip na sa pamamagitan ng mga ito maabot ang pagiging isang tunay na kristiyano. Sapagkat lumaki tayo sa utos ng matatanda ukol sa mga disiplina ng iglesia sa tamang mga pagawin at pag-uugali, akala natin na ang mga panlabas na gawing ito ay espirituwal na sa kanyang kaangkinan.

Lumipas na ang isang henerasyon ng mga mananampalataya sa ating minamahal ng iglesia at tayo’y humarap na sa isang bagong henerasyon ng mga kristiyano, na sa tingin ng nakalipas ng henerasyon ay hindi na nabubuhay ayon sa disiplina na nung una inutos sa kanilang sundin. Ngunit dahil ang bawa’t panglabas na disiplina ng iglesia ay nagmumula lamang sa pang-loob ng katotohanang bunga ng espiritu, nagaakala ang karamihan ng ating mga miyembro na ito ang ibig sabihin ng pagiging espirituwal.

Ano ang naging resulta ng ganitong pag-iisip? Nabubuhay tayo ngayon sa kasaysayan ng Unida na ang magkabilang henerasyon ay mayroong magkahiwalay na pagpapahag ng kanilang pananampalataya. Ang isa ay nagnanais ng isang taimtim at pormal na pagsamba ngunit ang isa naman ay gustong sumamba ng may kalayaang maging maingay at magalaw sa harap ng kanyang Dios. Sapagkat ang lahat ay tumingin lamang sa panglabas na anyo ng espirituwalidad ay nakalimutan natin na ang tunay na kapahayag ng paging espirtwal ay isang pang-loob na katotohanan.

Espirituwal na Buhay

Ang espirituwal na buhay ay pagiging isang tunay na tao na nabubuhay kasama ang Dios. Taliwas ito sa karaniwang pag-iisip na ang buhay kristiyano ay ang pang-kapilya at tuwing linggo lamang at hiwalay ang buhay natin sa labas ng kapilya tuwing Lunes hanggang Sabado. Sapagkat ang pagiging espirituwal ay higit pa sa karaniwang ginagawa sa loob o labas man ng kapilya, ito ay nagbibigay sa atin ng kalayaang maing isang tunay na taong nabubuhay kasama ang Dios maging saan man tayo naroroon. Hinihikayat tayo itong mabubuhay ng isang buhay lamang, walang pinipiling lugar o oras upang maging kasama ang Dios kundi sa sa bawat kilos ng kanyang buhay ang Espiritu Santo ay may kalayaang pagharian ang kanyang buhay.

Ngunit tulad ng isang manglalaro, kailangan nating magsanay sa disiplina ng espiritu upang ang buhay na maging isang katotohanan. Sa mga susunod na linggo ay pag-uusap nating ang mga espiritwalidad ng mga disiplina, hindi upang maging dagdag na gawin lamang, kundi mga pagsasanay upang ang Espiritu Santo ay mangusap sa pang araw-araw na buhay. Sa pamamagitan nito ay maiintindihan natin kung saan talaga nagmumula ang iba’t-ibang kapahayagan ng pananampalataya na kung tutuusin magkakapareho lamang kahit saan mang henerasyon. Sapagkat ito lamang ang isang buhay na may saysay at halaga.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: