Posted by: lmfilio | December 12, 2007

The Seriousness of Joy

Paglilingkod ng Dahil-Sa-Kailangan           

Kailan ba natatapos maging kagalakan ang paglilingkod at nagsisimulang  maging gawain ng Dahil-Sa-Kailangan lamang? Saksi tayo sa halimbawa ng mga taong pagka-galing sa isang camp o institute ay pagka-init init ngunit makalipas ang isang buwan o isang linggo ang dating init na nakakapaso ay siya naman lamig na bumabalot sa kanyang puso. Gayundin naman may mga kristiyano na, bagkus hindi tumitigil sa pagpunta sa kay raming gawin sa kapilya, mababakas sa kanilang mga mukha ang paghihirap sapagkat pawang napawi na ang kagalakan sa kanilang mga puso. Marahil yung una ay hindi na natin nakikita sa kapilya at ang ikalawa ay kasama pa rin natin ngayon ngunit magkaiba naman sila nang kinahantungan, ang kalalagayan ng kanilang puso ay pareho lamang.

Alam marahil ni Hesus na magyayari ang ganito sa kanyang mga lingkod kaya’y matapos ng kanyang mala-haring pagpasok sa bayan ng Jerusalem ay nagwika siya ng isang talinghaga upang maipalala sa kanyang mga taga-pakinig ang kahalagahan ng taus-pusong paglilingkod sa Dios

Ang sabi ni Hesus: Ngunit ano sa palagay ninyo? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa una at sinabi: Anak, pumunta ka ngayon sa ubasan at gumawa ka roon. Sumagot siya: Ayaw ko. Ngunit nagsisi siya at pumunta rin pagkatapos. Lumapit siya sa pangalawang anak at gayundin ang sinabi. Sumagot siya: Pupunta ako. Ngunit hindi siya pumunta. Sino sa kanilang dalawa ang gumanap ng kalooban ng ama? Sinabi nila sa kaniya: Ang una (Mateo 21:28-31a)

Taus-pusong Panglilingkod

Ang taus-pusong paglilingkod ay isang pusong-naglilingkod. Ang pagsunod ng magkapatid ay hindi naka-base sa kanilang sagot kundi kanilang puso. Sapagkat kung sumunod man ang ikalawang anak, alam natin ito ay hindi taus-puso bagama’t sumagot siya ng “Oo”. Ito marahil ang pakahulugan ni Hesus ng iutos niyang makipagkasundo muna sa kapatid na nagkasala bago maghandog ng alay sa Diyos. (Mateo 5:23-24) Sapagkat kung tutuusin, ang Dios ay tumitingin higit pa sa pagsunod ng ating labi kundi sa pagsunod ng ating mga puso.

Ngunit ang pusong-naglilingkod ba ay pagsunod lamang kung ito ay nararamdaman ng ating puso? Paano sa mga pagkakataong hindi natin nararamdaman ang kagalakan sa paglilingkod? Ang ibig sabihin ba ay kailangan na nating itigil ang paglilingkod?

Hindi po! Sapagkat dito po pumapasok ang pagsasanay sa kagalakan. Ang isang Kristiyano, upang magpatuloy sa paglago sa kanyang paglilingkod, ay kinakailangang magsanay na gawin itong palagi ng may kagalakan. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng ating espituwal na kalusugan – ang palagiang kagalakan na nagmumula lamang sa malalim na pagkakakilala at personal na relasyon sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus.

Mga Hakbang tungo sa Kagalakan

J – Just present your heart first to God

Kailangan nating disiplinahin ang ating mga puso sa bawa’t sandaling makikibahagi tayo sa ano mang gawin. Sa bawat bagay ay kailangan nating unahin ang Dios. Tama ba? (Mateo 6:33) Nangangahulugan ito na kailangan maging sa atin paglilingkod atin sa Kanya ay uunahin natin Siya. Ang paglingkod natin sa Dios ay hindi na nangangahulugang kasama natin Siya. Unahin natin ang Hari bago ang Kanyang Kaharian. Huwag nating hayaan na mahuhumaling sa mga gawin ng Diyos ng hindi lumalalim ang relasyon natin sa persona ng Diyos. Kaya kung minsan ay natatagpuan natin ang ating mga sarili na napapagod sa bawa’t gawin, sapagka’t ang Dios na nagbibigay-buhay at kagalakan ay nakakaligtaan natin. Maging si Kristo nawa ang maging basehan ng ating pagiging Kristiyano at wala ng iba pa.

O – Occupy yourself with God’s presence

Ang kawalang gana sa gawin ay resulta ng kawalan ng presensya ng Diyos sa ating buhay. Ang “boredom” ayon sa isang Kristiyanong manunulat ay sanhi ng pagkahumaling sa sarili at hindi sa iba o sa Diyos. Samantala, ang “enthusiasm” , kabaligtaran ng katamlayan, ay hango sa dalawang salita sa wikang griyego na “en” at “theo” na ang ibig sabihin ay “with God”.

Tanong: Sa tuwing umaga sa ating paggising, pagsakay sa sasakyan at pagpasok, ang Diyos ba ang laman ng ating isipan? Ang Diyos ba ang kasama natin sa bawat nating lakad? Ugaliin nating maging sensitibo sa pagkilos ng Dios sa pang-araw araw na buhay. Kung patuloy nating hahanapin ang Dios, kahit ano pang ating ginagawa, ay pinapangako Niyang Siyang matatagpuan. At upang maging sisidlan tayo ng presensiya na Diyos, kailangang magkaroon ito ng puwang sa ating puso. Sapagkat sa sandaling bukasan atin ang ating puso kay Hesus, ang Espiritu Santo ay malayang makakakilos.

Y – Yield to God’s Joy

Ang kagalakan ng Dios ang ating kalakasan. (Nehemiya 8:10) Ang kagalakan ni Hesus ay ang ating kagalakan. (Juan 15:11) Ang kagalakan sa paglilingkod ay natatagpuan lamang sa Dios sa pamamagitan ni Kristo Jesus. Ang Dios ay Diyos ng walang hanggang kagalakan. Kahit kailanga, hindi Siya makararamdam ng kapaguran at paghihina. Ang Puso ng Diyos ay punong-puno ng kagalakan at sa sandaling tayo’y maubusan, maari tayo’y uminom sa kanyang walang hanggang tubig ng kagalakan at kumain sa kanyang walang hanggang tinapay ng kalakasan. Hindi natin kailangan  umasa sa atin mga sarili o sa laman, ang espiritu ay nandyan lagi upang tayo ay punan!

Utos ng Kagalakan

Ngunit saglit lang muna, bago pa naman natin tapusin ang aralin ito, nais ko munang linawin ang isang bagay: Ang kagalakan sa paglilingkod ay hindi nangangahulugang wala na ang paghihirap. Bagkus, ang utos ni Hesus sa atin na magalak tayo sa kabila ng mga paghihirap. Ito rin ang inutos sa atin ni Pablo na siyang batayang-talata natin na: Magalak kong lagi sa Panginoon ! Marahil marami sa atin ang lumaki sa pag-iisip na ang seryosong paglilingkod ay dapat may bakas ng paghihirap ngunit ika nga ni C.S. Lewis, isang sikat na Kristiyanong manunulat sa ating panahon – Joy is a serious business of heaven. Na kung meron man tayong dapat seryosohin sa ating buhay kristiyano ay ang kagalakan sapagkat ang tanging paglilingkod na nagpapakita ng kahirapan ay sa mga pariseo lamang. (Mateo 6 :16-18)

Muli, magsanay tayo sa disiplina ng kagalakan upang ang paglilingkod natin ay magkaroon na buhay na nagmumula sa espiritu. Hindi niloob ng Diyos na maging walang saysay ang ating buhay Kristiyano bagkus  sa pamamagitan nito ay magkaroon tayo ng isang buhay na may halaga. A life worth which is indeed, worth living. Amen!


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: