Posted by: lmfilio | December 30, 2007

Sino ang tunay na pinagpala?

Masaganang Bagong Taon

Sa pagsasara ng kasalukuyang taon at pagbubukas ng bagong taon, marahil marami po tayong mga biyayang natanggap at mga pagsubok na nalampasan na nais po nating ipagpasalamat. Indeed, it has been a blessed year for all of us. With that, I would like to invite everyone to shout: “Thank you, Lord!”. (Wait for the response)

Sa taong 2008, ang ating buong iglesia ay magdiriwang ng kanyang ika-pitongpu’t anim na anibersaryo sa temang: “Siksik sa 76th”. Ito ay sumasalarawan sa isang buong taon na puno ng kasiglahan, kasaganahan at katagumpayan. Sino po sa atin ang nag-nanais na tayo ay magkaroon ng masigla, masagana at matagumpay na buhay? (Taas ang kamay?) Marahil lahat po tayo ay nagnanais magkaroon nito at kung tutuusin ay ito rin ang nais ni Hesus. Ngunit akong klaseng buhay ba meron ay isang pinagpalang tao? at paano siya nagkaroon nito? Ito po ang tanong sa atin ni Hesus ngayong umaga: “Sino po ba ang tunay ng pinagpala?”

Ang Galit ng Dios sa Mayayaman

Nang dumating ang kaharian ng Dios sa pamamagitan ng espiritu ng Dios sa buhay ni Hesus, ito ay nagdulot ng kay raming pagbabago laban sa mga umiiral na kaisipan at sistema ng kayang panahon. Isa na dito ay ang pagkakaintindi ng karamihan kung sino ang tunay ng pinagpala sa mundong ito. Sapagkat ang naghaharing sistema nung panahon ni Hesus ay umaasa sa lakas at kapangyarihan, itinuturing na pinagpala ang mga taong nasa puder ng kapangayarihan at ng kayaman. At katulad sa ating panahon, ang buong mundo ay tumitingin din sa mga bagay na ito upang sukatin kung sino ang tunay na pinagpala.

Ang “Forbes Magazine” taon-taon ay naglabas na listahan ng pinakamayayamang tao sa balat ng lupa at sa taong ito, tatlo sa mga ito ay Filipino. Ang ikatlo ay nagmamay-ari ng pinakamaking banko ng bansa. Siya rin ay mayroong kumpanya ng tubig at telekomyunikasyon. Ang kanyang pangalan ay (hulaan nyo?) Jaime Zobel de Ayala at ang kayang “net worth” ay umabot na sa dalawang bilyong dolyar. Ang kasunod nya ay nagmamay-ari ng pinakamalaking paliparan ng bansa. Siya ay maryoong kumpanya ng tabacco at banko. Siya si Lucio Tan. (big boss ni Pareng Irvin sa Allied Bank, hehe!) Ang kayang “net worth” ay dalawa’t kalahating bilyong dolyar. At ang pinakamayamang Filipino sa ating panahon ay may-ari ng isa sa pinakamalaking mall sa mundo. (SM MOA naks!) Siya ay si Henry Sy na may “net worth” na apat na bilyong dolyar! Ang kayamaman ng tatlong ito kung pagsasama-samahin ay bumubuo ng 10% ng kayamanan ng buong bansa at sila ay tatlo lamang sa walongpung milyong tao sa Filipinas! Napakapalad naman nila!

Sapagkat marami sa atin ang hindi mayaman, (79,999,997 to be exact) masasasabi natin na hindi dahil sila ay mayaman ay maituturing na tunay na pinagpala. Ito ay marahil dahil na rin ng mga kwento sa bibliya kung saan ang kalimitang nagiging halimbawa ni Hesus na pinagpapala ng Dios ay ang naghihirap, naaapi at nagdurusa o dahil ang madalas ipahiya ni Hesus sa harap ng mga tao ay ang mga mayayaman at may kapangyarihan. Marahil din ay marami sa atin ang nag-aakala na ang Dios Ama ay galit sa mga mayayaman at Siya ay tagapagtanggol lamang ng mga mahihirap at naaapi. Iniisip natin na bagkus ang mayayaman ay pinagpala sa mata ng tao ngunit sa mata ng Dios, ang mahihirap ang tunay na pinagpala. Ito po ang tanong sa atin ni Hesus ngayong umaga: “Sino ang tunay ng pinagpala?”

Ang Dios ng Mahihirap

Ang kaisipang ito ay dulot na rin ng kay raming istorya nuon sa komiks, pelikula at ngayon sa tele-serye na bida ay isang babaeng inaapi-api sapagkat siya ay pinanganak na mahirap ng kanyang katulong na ina at namamasukan sa isang pamilya ng mga kontra-bida na nagmamay-ari ng isang malaking hacienda. (Marimar?) Kahapon ay naghanap po ako ng pelikula katulad nito at dahil lumaki po ako sa aking ina na isang “Sharon Cuneta Fan”, ang una ko pong hinanap ay ang pelikulang “Bukas Luluhod ang mga tala” ni Emmanuel H. Borlaza ng taong 1984. Na-research po ako sa Google at ang laking gulat ko na mayroon sa “YouTube” website ang buong pelikulang ito kaya’t ito ay aming pinanood mag-asawa.

Ang bida ng pelikula ay si Rebecca, ginampanan ni Sharon Cuneta, na anak ng isang katulong na si Fidela (Gina Pareno) at isang mayamang lalaki na si Roman (Eddie Rodriguez) dahil sa impluwensya ng kanyang pamilya ay tinalikuran niya ang kanyang mag-ina at pinakasalan si Monica, (Pilar Pilapil) ang anak ng pamilyang sumagip sa kanilang negosyo. At marahil alam ni Monica na hindi siya ang tunay ng mahal ng kanya asawa ay madalas niyang pag-initan ang pamilya ni Fidela at ang kanyang mga anak. Ang kanyang kalupitan ay umabot sa sukdulan ng ipalapa niya sa mga aso ang tumayong Ama-amaan ni Rebecca na si Ador (Tommy Abuel) ng sugirin nito ang kanilang hacienda isang gabi dahil binato ni Monica ang bunsong anak ni Ador at Fidela na si Jun. (Raymond Lauchengco)

Dahil dito ay lumaki si Rebecca puno ng puot at galit laban sa pamilyang mayamang umaaapi sa kanila. Sumumpa siya sa kanyang ina ng balang-araw ay yayaman din sila upang hindi na sila muling aapihin ng mga mayayaman. Kung pamilya ni Roman at Monica ay kay taas na parang tala sa langit, “Bukas luluhod ang mga tala”, ang wika niya. Walang ibang nais kung ang maihiganti ang kanyang pamilya, sinikap niyang yumaman sa pamamagitan ng paabot sa ang kanyang mga pangarap bilang singer at artista. Ang kanyang pasisikap ay sinuklian ng magandang kapalaran. Unti-unti ay naiahon niya ang kanyang pamilya sa hirap at nagkaroon ng sariling bahay, kotse at mga ari-arian ngunit hindi ito naging sapat. Ang mga tala ay hindi pa rin lumuluhod sa kanya. Nagkaroon siya ng pagkakataon na gawin ito nang mabalitaan niya na nalulugi na ang negosyo ang pamilya ni Roman at Monica at ipinabibili ang kanilang hacienda. Sa wakas, ang paghihiganti na natagal na niyang inaasam ay magkakaroon ng katuparan. Sinikap niyang bilhin unti-unti ang hacienda at nagtuluyan na niyang makuha ng titulo ng bahay at lupa at binalak niyang ipamukha nito sa kanyang mga kaaway. Pansinin po natin: Hindi ba’t galit siya sa mga taong mayayaman na nang-aapi ng mahihirap? At bakit ngayon siya ang nasa magkatulad ng pagkakataon ay handa siyang apihin ang kanyang kaaway na naghihirap? Ito po ang tanong sa atin ni Hesus ngayong umaga: “Sino ang tunay ng pinagpala?”

Ang Hindi Makikitang Kaharian

Mga magulang ko’t mga kapatid, dumating ang paghahari ng Dios hindi upang ibagsak ang mayayaman o ipaghiganti ang mahirap but to gave birth to the Invisible Kingdom. A Kingdom not ruled by what can be seen but rather by the things unseen. Sapagkat ito’y galing sa espiritu ng Dios, ito ay maghahari sa puso nino man, mayaman man o mahirap. Sino ang tunay na pinagpala? Sila ay ang mga pinaghahari ng Dios, hindi pinili ayon sa estado o kalalagayan ng isang tao sa buhay, ngunit sa halip ay kabila ng mga ito ay kasama nila ang Dios. Ito ang sikreto ng isang masigla, masagana at matagumpay na buhay – ang mabuhay sa mundong ito na kasama ang Dios. I often ask: “What is the difference of a poor person, living in the Kingdom, from his fellow poor neighbors, who are outside of it when suffering from poverty? A poor in the Kingdom is never alone whenever facing any ordeal in life because God will always be with him. The same is true in every situation. Ano ang pagkakaiba ng isang taong pinaghaharian ng Dios na binawian ng anak, kapatid, magulang o asawa sa mga taong nasa labas ng kaharian ng Dios na dumaranas din ng katulad nito? – Kasama niya ang Dios. Ano ang pagkakaiba ng isang pinaghaharian ng Dios na kay tagal na panahong nananalangin na biyayaan ng isang anak, na makapang-aral muli o magkaroon ng magandang trabaho kumpara sa mg taong nasa labas ng kaharian ng Dios na umaasa rin sa bagay na ito? – Kasama niya ang Dios. Ano ang pagkakaiba ng isang taong pinaghaharian ng Dios na mayroong malubhang sakit na nasa hospital nagagaw-buhay dahil sa operasyon kumpara sa lahat ng mga pasyenteng naroon na nasa labas ng karahian ng Dios? – Kasama niya ang Dios.

Gusto po natin isang pinagpalang buhay? Ipanalangin po natin na paghari tayo ng Dios. Sapagkat ito ay tunay na pinagpala: Ang pagharian ng Dios na kasama Siya.

About these ads

Responses

  1. Manuscript uli ahihihihihihihihihihi


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: